Agree ba kayo, fiancé ni Kris malaki ang pagkakahawig kay Joey Marquez?

Mel Sarmiento, Kris Aquino at Joey Marquez

NAKATUTUWANG basahin ang lahat ng mga komento tungkol kay Kris Aquino at sa mapapangasawa niyang si Mel Sarmiento dahil halos lahat ay masaya para sa kanila.

Lalo na sa parte ni Kris na finally ay may lalaking dumating sa buhay niya na tunay na magmamahal sa kanya at aalagaan siya pagkatapos ng ilang taong pagiging single.

Maging ang mga lalaking na-link sa kanya, ang senatoriable na si Herbert Bautista at ang ex-husband niyang si James Yap ay parehong nagsabing “happy for her” with matching thumbs up pa.

Maging si Nay Cristy Fermin ay masayang-masaya para kay Kris na ilang beses niyang binanggit sa kanyang online show na “Cristy Ferminute,” ‘yun nga lang binibiro niya ang Queen of All Media na hawig daw ni Tsong Joey Marquez si Mr. Sarmiento.

Wala pa kaming nabasang reaksyon ni Kris tungkol sa obserbasyon ng batikang manunulat sa mapapangasawa niya.


At siyempre si Manay Lolit Solis ay nag-post din sa Instagram na nagsabing sobrang saya rin niya para kay Kris.

“So happy to see Kris Aquino very happy, Salve. Tama ba iyon nabasa ko na may 2 din anak na lalaki si Senen Sarmiento?  

https://bandera.inquirer.net/296203/kris-engaged-na-sa-dating-secretary-ng-dilg-looking-forward-na-akong-maging-sarmiento
“Wow, pati sa anak terno sila dahil dalawa din anak ni Kris na lalaki. Mukha naman stable at walang problema ang relasyon nila, so meaning this is it for both of them.

“Nasa edad na pareho kaya tiyak na swak na mentally, emotionally ang dalawa. Answered prayers kay Kris Aquino na talagang ang hanap ay isang magmamahal hindi lang sa kanya kundi sa dalawa niyang anak.

“Tiyak din na mamahalin ni Kris ang dalawang anak ni Senen dahil ito rin siguro ang hanap niya sa babae, ang mamahalin ang dalawa niyang anak.

“Congrats and best wishes. Sure ako na magiging malaking event ito sa buhay ni Kris Aquino, her coming wedding. Bongga tiyak preparation niya for this. #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako.”
https://bandera.inquirer.net/290564/kris-sa-relasyon-nila-ni-mel-sarmiento-at-least-ngayon-theres-someone-with-the-guts-to-stand-up-for-me

Read more...