BINI, BGYO magpapasiklaban sa joint concert; Budding female star doble kara

BINI, BGYO magpapasiklaban sa joint concert; Budding female star doble kara;

ISA-ISA nang natutupad ang mga pangarap ng BINI at BGYO dahil pagkatapos i-release ang debut albums nila ngayong buwan, magpapasiklab na sila sa inaabangang sibling concert na “One Dream: The BINI & BGYO Concert” ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Sulit ang concert dahil higit sa 40 na awitin ang kakantahin ng BINI at BGYO, kabilang na ang mga awitin mula sa albums nilang “Born to Win” at “The Light,” at magkaiba rin ang setlist sa dalawang shows nito.

Halos hindi na rin makapaghintay ang fan groups nilang BLOOMs at ACEs sa concert kaya naman naging sold-out agad ang limited edition concert merchandise nila sa loob lamang ng sampung minuto noong maging available ito noong nakaraang linggo.

Bukod sa BINI at BGYO, mapapanood din ng fans ang bonggang performances ng guest artists na sina AC Bonifacio, Kritiko, at KZ Tandingan sa Nobyembre 6. Sa Nobyembre 7 naman, mas maraming live collaborations ang BINI at BGYO, may sub-unit performances, malakasang biritan, at fan meet sa KTX.PH.

Panibagong milestones ang naabot ng parehong grupo sa paglabas ng kanilang debut albums dahil nanguna sa number one spot sa iTunes Albums Chart sa Philippines ang “Born to Win” ng BINI at ang “The Light” ng BGYO, at nakapasok din sa top 20 ng iTunes Songs Chart ang lahat ng mga awitin nila.

Nakapagtala na rin ng isang milyong streams sa Spotify ang BINI, habang umabot na sa 290,000 YouTube views ang music video ng bagong single ng grupo na “Golden Arrow.”

Samantala, umabot na rin sa limang milyong streams ang naitala ng “The Light” full album, habang nagkamit na ang latest single nilang “When I’m with You” ng higit sa 400,000 Spotify streams at 400,000 YouTube views.

Gagawa ng kasaysayan ang joint concert ng BINI at BGYO dahil ito ang kauna-unahang sibling concert sa kasaysayan ng P-pop at ang una ring two-day concert sa Pilipinas na may magkaibang setlist sa magkaibang araw.

Pagkatapos nito, magpapasiklab sa international fans ang BINI at BGYO sa 1MX Ultimate Music Festival sa Dubai sa Disyembre 3.

Bumili na ng tickets para mapanood ang “One Dream: The BINI & BGYO Concert” ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV. Kumuha ng updates tungkol sa BINI at BGYO at sundan ang BINI_ph at BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BINI Official at BGYO Official.

* * *

MAY dalawang personalidad talaga ang isang tao. Mabait siya kapag kaharap ang mga taong mahal niya at kakilala ngunit iba naman ang ipinakikita sa mga hindi kakilala.

Ito ang kuwento sa amin ng mga ka-trabaho ng budding female star na marami ang nagsasabing mabait siya, pero iba ang ipinakita niya sa ilang kasamahan sa trabaho.

Sa isang lock-in taping ay libre ang venue kung saan magte-taping dahil napakiusapan ng taga-production. Malaking bagay at tipid na ito lalo’t ‘yung iba ay mahal maningil kasi nga sa mga ganitong shooting/taping lang sila babawi sa mga nawalang kita dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa simula ay okay si budding female star pero sa katagalan ay may mga inarte moods na, tipong paghihintayin ka na sa set na dati naman ay hindi. May times pa na biglang nagdi-disappear sa paningin ng lahat ‘yun pala nasa sasakyan at may kausap.

Ang hindi kinaya ng mga taga-production, nang paalis na ang lahat sa location ay humiling ang may-ari na kung puwedeng magpa-picture sa mga artista bilang souvenir na nangyayari naman talaga ito lalo na kung inilibre na nga ang venue ng taping.

Si budding female star ay ayaw to the max na kailangan pang paliwanagan mabuti ng staff at nang pumayag na ay nakabusangot pero nu’ng kukunan na ng kamera ay ngumiti pero nagdayalog ng hindi maganda bagay na narinig ng owner ng venue.

Siyempre, hiyang-hiya ang mga taga-production sa maldita moves ni budding female star. Oh well….

Related Chika:
BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

Read more...