Umaabot sa P1.623 bilyon ang panibagong pondong makukuha ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng Manila Bay, ayon kay Rep. Michael Defensor.
Ang dagdag na pondong ito ay nakapaloob sa pambansang badyet ng DENR sa 2022, ayon pa sa representante ng Anakalusugan partylist.
“All told, Congress has earmarked a total of P4.684 billion for the DENR’s Operational Plan for the Manila Bay Coastal Management Strategy since 2018, to include the P1.553 billion appropriated for this year, and amount meant for 2022,” wika ni Defensor.
Noong 2008, inatasan ng Korte Suprema ang 13 ahensiya ng gubyerno, kabilang na ang DENR, na ipanumbalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay sa Class B, para maari na ito muling mapaliguan ng publiko at magamit sa iba pang anyo ng contact recreation, wika sa kongresista.
Batay sa pag-aaral noong taong iyon, ang fecal coliform level ng Manila Bay ay umaabot sa daang libo o maari pang milyon na most probable number (MPN) kada 100 milliliters (ml). Lubhang mapanganib ito para sa kalusugan.
Ayon sa klasipikasyon ng DENR, ang fecal coliform level ng Class B na coastal water ay hindi dapat lalagpas sa 200 MPN per 100 ml.
“The bay’s long-term comprehensive rehabilitation plan calls for the sustained reduction in fecal coliform levels,” ayon kay Defensor.
“This can also only be achieved once the bulk of households and establishments in Metro Manila and nearby provinces are hooked up to sewerage systems and wastewater treatment plants with the help of private water concessionaires,” dagdag niya.
“We have to clean all our wastewater from human activities before we either reuse the water, or return the water back to the natural environment,” sabi pa ng kongresista.
Itinuturing na natural environment ng Manila Bay ang Pasig River at 16 na iba pang pangunahing ilog na nagbubuga ng tubig sa Manila Bay.
Kabilang rin sa planong rehabilitasyon nito ay ang relokasyon ng may 233,000 na mga pamilyang informal settle. Naninirahan ang mga ito sa 190-kilometrong baybayin ng Manila Bay at diirektang nagtatapon ng wastewater sa dagat.