Pagbati sa mga ka-tropang Bandera — Sandy Prieto

BINABATI ko ang Bandera sa ika-23 anibersaryo nito!

Sa mga nakaraang taon, sana ay nakita ninyo ang mga magagandang pagbabagong ginawa ng Bandera upang matugunan ang mga pangangailangan ninyo — mga mahal naming mambabasa.

Ang mga samu’t saring artikulo nito, mula sa mga napapanahong balita at chika hanggang sa mga pang-personal na kaalaman, ay mga testamento ng aming pagpapahalaga sa aming mga “ka-TROPA”.

Makakaasa ang lahat na ipagpapatuloy ng Bandera ang pagbibigay ng balita, kaalaman at aliw sa mga darating pang panahon.

Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga bumubuo ng Bandera, sa mga loyal na mambabasa, advertisers at dealers.

Mabuhay!

Alexandra Prieto-Romualdez
President

Read more...