Albert Martinez, Faith Da Silva, Yasmien Kurdi at Thea Tolentino
INAMIN ng award-winning veteran actor na si Albert Martinez na totoong pinag-iisipan na niya ang maagang pagre-retire sa mundo ng showbiz.
Ngunit bigla ngang nabago ang kanyang isip nang dumating ang offer sa kanya ng GMA 7, ito nga ang bagong drama series na “Las Hermanas” na magsisimula na ngayong hapon.
“I really thought of retiring. Sabi ko nga, I have enjoyed this industry, it sure had been good to me, and I believe I have done most of whatever I turned into,” ang pahayag ni Albert sa panayam ng GMA.
Aniya pa, “But GMA-7 came into the picture, offered me ‘Las Hermanas.’ GMA has been so kind to me, and GMA has been very supportive.”
Samantala, sa tanong kung paano niya napapanatili ang kanyang pagiging looking young sa kabila ng pagiging senior citizen, aniya, “Siguro it’s because of everything in moderation. I eat properly, I don’t drink too much. I exercise as often as possible.
“I bike and wala akong masyadong stress because every weekend I spend time sa bundok,” sabi pa ni Albert.
Ang kuwento ng “Las Hermanas” ay iikot sa buhay ng magkakapatid na Manansala na sina Dorothy (Yasmien Kurdi), Minnie (Thea Tolentino) at Scarlet (Faith Da Silva). Nagmula sila sa masasabing perfect family ngunit naghirap at nasuong sa iskandalo nang mamatay ang kanilang ama.
Hanggang sa makilala nila ang mayamang negosyanteng si Lorenzo (Albert), na siyang magiging ugat ng matinding away ng magkakapatid.
Tutukan ang world premiere ng “Las Hermanas” ngayong Oct. 25 sa GMA Afternoon Prime.
https://bandera.inquirer.net/295615/albert-martinez-sa-chikang-may-relasyon-daw-sila-ni-faith-da-silva-i-believe-its-not-that-bad-at-all
* * *
Aminado naman si Kapuso actress Faith Da Silva na matinding pressure at nerbiyos ang naramdaman niya nang sumabak sa kauna-unahan niyang lead role sa “Las Hermanas.”
“This is my first project na lead talaga ako. Grabe ‘yung pressure para sa akin before going in.
“But I am very grateful to Yasmien and Thea na kahit na naka-quarantine pa lang kami sa hotel, nagbi-video call kaming tatlo just to check if everybody is doing fine kasi malayo kami sa mga pamilya namin,” kuwento ni Faith sa nakaraang virtual mediacon ng serye.
Aniya pa, “Habang tumatagal nang tumatagal ‘yung taping namin nawala sa isip ko ‘yung pangamba kasi naramdaman ko na with Las Hermanas nagkaroon ako ng pamilya.”
Gagampanan ni Faith sa bagong Kapuso serye ang role na Scarlet Manansala, ang bunso sa magkakapatid na fashion-conscious at nangangarap na maging isang influencer.
Abangan ang mga nakakaloka at madadramang eksena ng dalaga kasama sina Albert, Thea at Yasmien lalo na ang mga pasabog nilang confrontation scenes.
Ka-join din dito sina Jason Abalos, Rita Avila, Leandro Baldemor, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeline Nicolas, Rubi Rubi at Melissa Mendez.
https://bandera.inquirer.net/293691/thea-may-payo-sa-mga-middle-child-na-kinikimkim-ang-sama-ng-loob-sa-pamilya