Aljur Abrenica at Kylie Padilla
DIRETSAHANG pinabulaanan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na nanlalaki siya tulad nang pinalalabas ng nakahiwalay niyang asawa na si Aljur Abrenica.
Never daw siyang nagloko o nangaliwa sa kahit anong paraan habang magkarelasyon pa sila ng aktor kaya unfair daw na paratangan siya na unang nag-cheat tulad nang nais ipahiwatig ni Aljur sa kanyang “breaking silence” post sa social media.
“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth and that’s what they keep throwing at me,” ang bahagi ng pahayag ng aktres sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” kanina.
“Okay sana kung ginawa ko. I would say I’m sorry. Pero hindi talaga eh. Paano ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa? Ang hirap nu’n,” aniya pa.
“Kung totoo talaga, aamin ako. But like, hindi talaga siya totoo kaya natatawa na lang ako. Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second son.
“Paano ako aalis? Kung gusto n’yo ng ebidensya, tanungin n’yo ‘yung mga yaya ko,” mariin pa niyang pahayag.
Natatawa rin daw siya sa tsismis na ang Kapamilya actor daw na si JM de Guzman ang ipinalit niya kay Aljur at ipinagdiinan na magkaibigan lang sila ng binata.
https://bandera.inquirer.net/279455/si-kylie-pa-rin-ang-nag-iisang-reyna-sa-buhay-ni-aljur
Tungkol naman sa sinabi ni Aljur sa kung sino ang sumira sa kanilang pamilya, inamin ni Kylie na pareho silang hindi na masaya sa kanilang pagsasama bilang married couple kaya mas mabuting tapusin na nila ang kanilang relasyon.
“I wanna grow as a person and be a better mother. The circumstances sa marriage namin, feeling ko hindi ko magagawa ‘yon. The decision that I made, I think, do’n siya nanggaling.
“‘Yung sinabi niya na ‘I wrecked the family,’ it’s because I decided na ayoko na, tapos na ko dito. I wanna be a better person, I wanna be happy. And I want him to be happy,” pahayag pa ng aktres.
“Kaming dalawa ang iniisip ko when I decided that…I felt like for the longest time, I felt alone in the marriage. ‘Yung cheating was just the last straw. Mahirap sa akin but I said, ‘Okay, it’s enough,'” diin pa niya.
Ito naman ang mensaheng nais iparating ni Kylie kay Aljur, “Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin. Sana ma-save pa natin ‘yung friendship after this. That’s my goal in the end.
“Kung gusto natin mag-away, whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. ‘Yun lang ang hinihingi ko, please,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/296115/aljur-matapos-ang-breaking-silence-post-i-can-still-say-na-she-was-the-love-of-my-life