Payo ni BB Gandanghari kina Aljur at Kylie: Keep your dirty linens in the washroom

Kylie Padilla, Robin Padilla at BB Gandanghari

NAGSALITA na rin ang tiyahin ni Kylie Padilla na si BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) tungkol sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Inamin ni BB na hindi siya aware sa iskandalong kinasasangkutan ng kanyang pamangkin at ng nakahiwalay nitong asawa na si Aljur.

Sa kanyang pa-livestreaming sa Instagram, nakipagchikahan ang kapatid ni Robin Padilla sa kanyang social media followers tungkol sa takbo ng buhay niya ngayon sa Amerika.

Sa isang bahagi ng kanyang IG Live, maraming netizens ang nagtanong kung ano ang masasabi niya sa mainit na isyu sa pagitan nina Kylie at Aljur at kung ano ang ipapayo niya sa pamangkin.

“Mahirap makialam,” ang simulang pahayag ni BB lalo pa raw at hindi siya aware sa lahat ng mga nagaganap sa married life ng pamangkin. 


Ngunit dahil halos lahat ng kanyang followers ay hinihingan na siya ng reaksyon sa isyu ay napilitan na rin siyang magsalita. 

“Ang paghihiwalay is not a joke, masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean,” pahayag ni BB.

Dugtong pa ng kapatid ni Binoe, “Kasi may mga anak kayo. I think that’s what you need to think about now, kasi, of course, ‘yun nga may mga bata. ‘Yun lang.”

At bilang tita ni Kylie, binigyan din ni BB ng advice sina Kylie at Aljur para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children,” sey ni BB.

Read more...