Kim, Jerald sanay na sa lock-in taping pero napapraning pa rin kapag nagpapa-swab test

Kim Molina at Jerald Napoles

SANAY na sanay na sa lock-in shooting ang celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina dahil talaga namang sunud-sunod ang ginagawa nilang pelikula under Viva Films.

Sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic at habang marami pa ring artista ang walang work, buhos na buhos naman ang blessings at swerte sa magdyowa.

Kung meron ngang award na pwedeng ibigay kina Kim at Jerald, yan ay ang pagiging “Pandemic King & Queen of Viva Films” dahil sa dami na ng nagawa nilang pelikula noong 2020 hanggang ngayong 2021. 

Muling bibida ang dalawa sa comedy-horror film na “Sa Haba Ng Gabi” na siyang napili ng Viva Films bilang Halloween offering nila this year. Ito’y sa direksyon ni Miko Livelo at mapapanood na simula sa Oct. 29 sa Vivamax.

Pero knows n’yo ba na kahit every month ay sumasabak sila sa lock-in taping ay inaatake pa rin sila ng nerbiyos kapag sasailalim na swab test bago maaprubahan ang pagre-report nila sa location.

“Unti-unti na na rin kaming nasasanay sa lock-in taping pero ako hindi po ako nasasanay sa swab test, eh. Never akong nasanay sa swab,” pahayag ni Jerald. “Parang first time lagi,” pagsang-ayon naman ni Kim.

Pagpapatuloy ni Jerald tungkol sa swab test, “Pero wala po, eh, wala akong choice. Yon lang ang pinaka-nasanay ako kasi para sa akin, personally, ang tingin ko sa actors on the set, even the staff on the set, parang frontliners na kailangan pag salang namin kailangang mag-shoot kami whether we like it or not.

“Kailangang tapusin namin ang project para may mapanood yung tao. Tapos kaming mga artista lang po ang nagtatrabaho sa panahon ng pandemic ang kailangang magtanggal ng mask pag nagtatrabaho.

“So, bukod po sa mayroon kaming swab in at swab out, nasanay po akong mag ingat kung kailan magma-mask ka, kung kailan hindi magma-mask. May dadalhin na disinfectant kasi pag-swab in o swab out, pag nag-positive ka hindi ka makakauwi! Ang hassle ng idea,” tuluy-tuloy na chika ng komedyante.

Dagdag pa niya, “Ako, personally, nami-miss ko yung dati – yung shoot ngayon, bukas makakapag-trabaho pa ako ng iba tapos the next day, shoot ulit. Ha-hahaha! Siyempre, income po yun, eh.” 

Dagdag pang chika ni Jerald, feeling niya kahit daw siguro maging maluwag na ang gobyerno sa pagpapatupad ng safety protocols at kahit pa matapos na ang pandemya ay hindi na mawawala sa sistema niya ang dobleng pag-iingat.

“Siguro, pagkatapos nitong pandemic sobrang mare-retain sa akin yon dahil nasanay na ako na naka-mask ako lagi kahit saan,” aniya pa.

Inamin din niya na napapraning pa rin siya kapag nagpapa-swab test  dahil sa takot na baka magpositibo siyang bigla, “Siyempre, kasi pag nangyari yon tanggal ka sa produksyon. 

“E, per project basis po kami. Hindi naman kami kagaya nung iba na, ‘O, magpagaling ka ng two weeks, then pasok ka na.’ Ito, pag natanggal ka, abang ka na naman ng ilang buwan kung bibigyan ka ng trabaho.

“Sa exit swab naman po, kung sakaling mag-positive ka, yung kikitain mo gagastusin mo kasi magku-quarantine ka sa ibang bahay o sa iba para hindi ka makahawa. Maghintay ka ng result para hindi madala sa pamilya mo,” sey pa ni Je.

https://bandera.inquirer.net/285747/jerald-kim-dedma-muna-sa-kasal-kailangan-muna-naming-maka-survive

Hirit naman ni Kim, “Saka po yung sinabi ni Je, somehow parang frontliners kaming actors, everyone involved actually, the production, the crew. Alam ko po na well, compared to our frontliners, we’re really very far kung ano talaga yung sacrifices nila.

“Yun na lang din ang motivation ko, for me kasi, like ako, my parents are OFW at hindi kami nagkikita, so my only way for them to see me ay pag napanood nila yung ginawa kong pelikula.  So, yun na lang din ang motivation ko na somehow we are less than 5% frontliners also,” dagdag ng aktres.

Sa lahat ng mga nakakatakot na nangyayari sa iba’t ibang bansa, maaaring maging katapusan na nga ng mundo. At isang direktor ang naisipang gawing cliché ang katapusan ng mundo: isang Zombie Apocalypse. 

Produced by Master of Horror Erik Matti, Ilalabas ng “Sa Haba Ng Gabi” ang mga patay na muling mabubuhay. Ito ay sa direksyon ng young director na si Miko Livelo. Makakasama ritio tambalang KimJe ang comedy great na si Candy Pangilinan.

Si Neneng (Candy), na katulong sa isang engrandeng mansyon na pagmamay-ari ng isang senator, ay hinimok ang kanyang pinsan na si Jhemerlyn (Kim) na magtrabaho sa mansyon kasama siya.

Desperadong makahanap ng trabaho, tinanggap agad ni Jhemerlyn ang alok ng kanyang pinsan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Jhemerlyn na ginagamit ng senador ang mansyon para doon dalhin ang kanyang mga babae.

Maayos ang lahat sa mansyon, hanggang sa isang araw na umuwi ang senador na maputla at mukhang may sakit. Di nagtagal ay nabalitaan ng mag-pinsan na may virus na kumakalat sa buong probinsya, at ginagawa nitong zombie ang mga tao. 

At habang nagaganap ang apocalypse, sa mansyon din naisipang magtago ni Noel (Jerald), ang personal driver ng senator. Simula na ng pinakamahabang gabi sa buhay nila Neneng, Jhemerlyn at Noel. 

Sa loob ng mansyon, manonood sila ng TV, haharot at susubukang mag-survive sa zombie apocalypse. Ngunit malalagpasan ba nila ang gabi nang buhay at nananatiling tao? 

Siguradong mahahawa kayo sa kakatawa sa panonood ng “Sa Haba Ng Gabi” mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa Oct. 29 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.

https://bandera.inquirer.net/288623/kim-molina-jerald-napoles-walang-arte-sa-love-scene-hubad-kung-hubad

Read more...