Kylie Padilla at Aljur Abrenica
SA KABILA ng paliwanag ni Aljur Abrenica sa nagawa niyang paghahamon kay Kylie Padilla na aminin na sa publiko kung sino sa kanila ang unang nagloko, marami pa rin ang nangnega at bumatikos sa kanya.
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens na sumusubaybay at talagang nakatutok sa malateleseryeng break-up ng mag-asawa, may mga nakisimpatya kay Aljur pero mas maraming bumanat sa kanya.
Hindi nila tanggap ang naging rason ng aktor kung bakit kinailangan pa niyang magsalita laban kay Kylie samantalang nananahimik na nga ang aktres.
“The reason why na nagawa ko ’yun out of impulse. I felt like nasadsad na’ko. Lubog na ko. Nabugbog na ‘ko. It was not my intention na maglabas na ganong post pero naramdaman ko talaga na kailangan.
“Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganon kaapektado ’yung mga tao dahil sinubaybayan niyo ’yung pagsasama namin ni Kylie.
“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yon. And I valued our family more than anything. So I was really affected nu’ng nangyari yon. And in respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako,” ang litanya ni Aljur.
Narito ang ilang komento ng mga BANDERA readers and followers sa naging depensa ni Aljur.
“Naging love of may life na kung hindi pa magpapa interview c kylie sa KMJS bka till now hate of his life naku aljur tumahimik ka na ang alam mo lang nman na salita is puro TELL TO THEM!”
“Kaya mo cnasabi yan aljur bka natkot kng singilin ni Kylie sa mga inutangan mo ayon sa pinsan yan gamit gamit din ng utak bawat decisyon pg may time puro ka lng gym.”
“Maganda dyan mag reconcile kayo. Gawa kayo content sa youtube pag wala na kayo pera o financial problem mag tulungan kayo mag asawa lalo na ngayon usap usapan kayo. Marami views makukuha nyo. At kawawa mga anak nyo na maghiwalay kayo. Kita naman sa mga anak nyo pag wala isa na mimiss nila at nalulungkot sila.
“Maawa kayo sa anak nyo. Isantabi nyo yung sa inyo hidwaan. Dahil yan ang magulang mag sacrifice para sa anak. Wag yung maliit pa sila maghihiwalay kayo. Si Alas 4years old yung isa 2years old.”
“SHE WAS…naku Aljur paki ayos na ang sentence construction mo pra d na kami malito. sure na ba yan past tense?”
“May annullement naman sa pinas e di kung wala ng pagmamahal at pagkakasundo mad mainam maghiwalay ng maayos at maging mabuting magulang sa mga anak kahit hiwalay na kayo. Kesa parehas narin naman kayo may mga pagkakamali mainam na maghiwalay na may respeto sa isat isa parin para sa mga bata.”
“Yong mga taong nag idolize sayo sana mataohan din. sana wala nang taong manonood sa lahat2x nang pelikula mo or balabas mo..sana ipag pray ko yan kay God.”
“Kung love of your life sana kahit anu pa sabhin ng ibang tao lalo wla naman sinasabing masama sayo nirespeto mu sna sya na kinusap mu muna alm mu sa sarili mu nnirespeto ka din nya bilang ama ng mga ank nyo.”
“Natauhan ka yata boy alam mong mga anak mo ang maapiktuhan saka lalake ka mahalay sa u nagmula ang mga naglabasang isyo ng iyong pamilya sa halip ikaw lang ang my alam ngayon boong mundo.”
“Natauhan?? But the damage is done. Hindi daw galit sa netizens na yun ang nanghahamak sayo pero si Kylie walang sinabi against you. pinili mo protekrahan ung iba kaysa asawa mo. ung broken marriage nyo. Failure mo yan as a man. Happy wife has a Happy home and happy life. Jan ka ngkulang Aljur.”
“Ligawan mo ulit ibalik mo Yung dating png liligaw sa kanya ibalik mo Yung dating tamis ng pagmamahalan ninyo sana mag balikan na kayo crush aljur. Pls maawa ka sa anak nyo ni kylie mga bata pa sila.”
“Biglang kambyo. takot yan baka mawalan ng followers wala nang manunod sa mga projects nya…mas lalong walang isusustento. ginagawang tanga ang asawa nya na tunay, go kna sa bago mo, happy na at kuntento sa mga anak mo si Kylie. Dami mo sinasabi. hina ng balls mo.”
“Ang g*g*ng lalaki hahahaha! matapos mag popotak at sinagot ang pag popotak. Ngayon may nalalaman pang she is still the love of my life. Yong isinuka nya gusto pa yata kinain ulit hahaha!”
“Ano aljur? hindi pumasa arte nyo nila cristy fermin sa tao kaya bagong script na sinasabi mo? nakakahiya ka gusto mong gayahin si robin eh iba yun kesa syo. ikaw waley na kahit anong gawin mo di k na click sa tao.. sa susunod yung magaling gumawa ng script kunin mo. bubble head feeling sikat.”
https://bandera.inquirer.net/296045/cristy-fermin-rumesbak-kay-kylie-wag-kang-turo-nang-turo-baka-mamatanda-ka
“What happened? It seems natauhan kau lahat? Cristy Fermin, Aj Raval tapos ikaw Aljur? Ang gagaling nyong manakit sa puso ni Kylie tinira nyo ng husto hindi nyo ba naicip kung ano ang maging resulta? Wala kaung saktong plano? Pinahiya mo asawa mo, ina ng mga anak mo ang babaeng pinakasalan at pinaglaban mo, Damage has been done! Markado lahat piece by piece ang sakit na salita para kay Kylie, tsktsktsk what a messed!!!”
“Matulog ka na lng aljur mukhang dika pa natutulog manahimik ka na lng kaya imbis sa dadaka ng dada odikaya ayusin mo mga anak mo.”
“Utot mo Aljur kapal nman mukha mo para sbhin ang ganyan. Akala mo kc hinde kkyanin ni kylie ang mawala k s buhay nya. jan ka nagkamali tpos ngaun yan ang ssbhin mo?”
“Hayyy naku mga idol kung mahal nyo pa ang isat isa gora magbalikan na kayo kung pwd pa wag nyo ng masyadong palalain ang situation pero kung hindi na talaga pwd wagna.”
https://bandera.inquirer.net/296082/aljur-burado-na-ang-breaking-silence-post-kylie-magsasalita-na