IPINALIWANAG ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang panig ukol sa mga kumento ng ilang netizens na kumukuwestyon sa kanyang loyalty.
Matapos kasi ang ilang buwang pamamahinga ni Sunshine na huling napanood sa drama series na “Bagong Umaga”, nagbabalik Kapuso network naman ang aktres at bibida sa two-part episode ng “Wish Ko Lang” at “Stories from the Heart: Love on Air”.
Kaya naman may mga netizens ang tila nalito at tinanong si Sunshine kung nasaan ang kanyang loyalty. May ilan rin na tinawag na ‘mukhang pera’ ang aktres at inakusahan pa siyang iniwan ang isang network kahit hindi pa tapos ang kanyang kontrata.
Agad namang nag-post ang aktres sa kanyang Facebook account at pinaliwanag ng aktres na wala siyang exclusive contract sa kahit anong network at siya ay isang freelance artist. Kasama rin sa post ang ilang screenshots ng comments mula sa mga netizens.
“Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon.
“I am grateful to both networks (ABS-CBN at GMA) for always giving me the opportunity to work for them. Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin.
“I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso,” saad ni Sunshine.
Binanggit rin nito na kahit sa TV5 ay lubos ang kanyang pasasalamat dahil magiging parte rin siya ng seryeng “Niña Niño.
“Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa Niña Niño. Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit maka trabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa Wildflower.”
Aniya, bilang isang single mom ay kailangan niyang itaguyod ang kanyang pamilya kaya kung ano man ang ibinibigay na magandang offer sa kanya ay kanyang tinatanggap.
“Isa akong “freelance artist o freelancer” and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin.
Kahit raw 44 years old na siya ay marami pa siyang pangarap sa buhay na nais niyang matupad kaya nakiusap ang si Sunshine na ‘wag sanang magalit ang netizens sa kanya pati na rin sa kapwa niyang freelancers.
“Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.” ani Sunshine Cruz.
Related chika:
Sunshine unti-unti nang gumagaling matapos ang 14-day quarantine: I thank God everyday…
Sam Cruz inatake ng matinding takot nang magka-COVID si Sunshine: Seeing her gone would crush me
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook