INAMIN ni Jake Cuenca na may mga news tungkol sa kanya na nag-viral pero iba ang kahulugan. Isa ito sa natanong kay Jake sa virtual mediacon ng bago nilang series na “Viral Scandal” na mapapanood na sa Nobyembre handog ng ABS-CBN Entertainment under RCD Narratives.
“Hindi ko masasabing fake news kasi minsan may mga nagba-viral na bagay na nami-misinterpret ng tao.
“For me, ‘yung (inakala) proposal kay Kylie. Sa likod ng kamera alam naming joke ‘yun pero ‘yung taong nakakanood akala nila totoo so minsan nami-misinterpret. ‘Yun siguro at may lesson akong natutunan do’n siyempre hindi naintindihan ng tao ‘yung humor. Hindi universal ang humor ng lahat ng tao,”sagot nito.
Say naman ni Ria Atayde na kasama sa cast, “Parang I’m okay naman, parang so far I haven’t had a deal with anything going viral. It’s an evitable that fake news would be going around about you, of course.
“From the person you’re dating to what you’re doing with your life but apart from that, I’m good. I had a deal with anything of that magnitude.”
Ano naman ang experience ni Charlie Dizon, “Ako naman po wala rin akong naging viral na something na fake news. Ang masasabi kong pinaka nag-viral sa buhay ko ‘yung nanalo po siguro ako sa MMFF. So, ‘yun lang po ‘yung moment ko na nag-viral.”
Ang tinutukoy ni Charlie ay ang unang award niya bilang Best Actress sa 2020 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Fan Girl” kasama si Paulo Avelino.
Para naman sa iba ay takot ba silang may mag-viral sa kanilang fake news na puwedeng ikasira ng karera nila o makakatulong sa kanila?
“For me kung may magba-viral sa akin, sana anything na makabuluhan o kaya viral na makakatulong sa iba. Might be an NGO or advocacy, okay lang kahit hindi tungkol sa sarili ko pero ‘yung makakabuti naman sa iba okay ako ro’n,” ito ang sagot ng baguhang si Aya Fernandez na unang nakilala sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin bilang si Dra. Audrey na kapatid ni Jane De Leon na pinatay ng kalaban.
Dating beauty queen si Aya na sumali sa 2018 Mutya ng Pilipinas at nanalong Miss Teen Earth 2015 at isa rin siyang entrepreneur na kasalukuyang CEO ng Project Lily PH, eco-charcoal producing project.
Para kay Vance Larena, “Gusto ko po sana kung may mag-viral ay tungkol sa trabaho, sa sining o sa craft ko.”
Natatawa naman ang mga kasamahan ni Jameson Blake dahil naalala ang nag-viral sa kanya tungkol sa “shoutout” kung saan naghahanap siya noon ng graphic artist pero ex-deal.
“Hindi ko makakalimutan ‘yun kasi my friends said [that] to me as a joke (natatawa). So, okay lang din sa akin. Lesson learned din naman, okay lang,” natatawang sabi ng aktor.
Wala namang naisagot si Direk Dado Lumibao tungkol sa kanya pero hoping siya na magba-viral ang bago nilang programang “Viral Scandal” kasama sina Joshua Garcia, Charlie, Jake, Dimples Romana, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Jameson, Kaila Estrada, Markus Paterson, Maxene Magalona, Vance, Miko Raval, Gian Magdangal, Aya, at Ria.
Mapapanood ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z Kapamilya Online Live, iWantTFC and TFC IPTV.
Related chika:
Fr. Ferdinand Santos nilinaw na hindi edited ang nag-viral na photos: Yours truly is old
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook