Joshua aminadong 'toxic' ang socmed: napangiti nang tanungin tungkol kay Ivana | Bandera

Joshua aminadong ‘toxic’ ang socmed: napangiti nang tanungin tungkol kay Ivana

Reggee Bonoan |October 20,2021
facebook
share this

Joshua aminadong ‘toxic’ ang socmed: napangiti nang tanungin tungkol kay Ivana

Reggee Bonoan - October 20, 2021 - 06:01 PM

Joshua aminadong 'toxic' ang socmed: napangiti nang tanungin tungkol kay Ivana

JOSHUA GARCIA

NAKAKATULONG ba kina Joshua Garcia at Charlie Dizon ang social media? Ano ang pros and cons para sa kanila?

Isa lang ito sa mga tanong sa dalawang bida ng bagong series na “Viral Scandal” na idinirek nina Froy Allan Leonardo at Dado Lumibao mula sa ABS CBN Entertainment under RCD Narratives.

Unang sumagot si Charlie, “Ako po personally may pros and cons po sa akin ang social media. Ang pros doon din po ako nakakasagap ng news na latest and ang cons ay nagkaroon ng venue para masabi lahat ng tao ‘yung mga opinyon nila and minsan hindi kasi maganda ‘yung sinasabi parang mas madali na lang kasing magsalita ngayon sa social media kaysa in person kaya mas maraming doon na lang naglalabas ng kanilang saloobin.”

Sinang-ayunan naman ni Joshua ang mga sinabi ni Charlie.

“May pros and cons talaga ang social media na totoo nga makakasagap ka doon ng balita since doon lahat sinasabi ng mga tao ‘yung saloobin nila so doon mo nakikita ‘yung trending kung anong nangyayari sa mundo.

“Pero aminin natin, toxic talaga ang social media especially sa amin na mga artist kasi kami ‘yung nasa ilaw, kung baga kami ‘yung mas nakikita. Wala ganu’n talaga ang mundo, eh,”natawang sabi ng aktor.

Samantala, magka-chat pala sina Joshua at Ivana Alawi na inamin ng huli sa vlog ni Ogie Diaz na in-upload sa YouTube channel nito noong Oktubre 13.

Napangiti muna si Joshua at sabay takip ng mukha.

“Ako kung may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalake, di ba? Di ko alam ang reaction ko ha, ha. Siyempre thank you kasi na-a-appreciate ‘yung work ko na ginagawa.

“Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata ‘yung acting ko, thankful, very thankful ako. As an actor, maraming salamat. Yeah, I’m open na maging magkaibigan, okay lang sa akin.” saad ng aktor.

Hindi naman na sinagot ni Joshua ang tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Ivana sa pamamagitan ng IG account nila.

Anyway, mapapanood na ang “Viral Scandal” sa Nobyembre sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.

Kasama rin sa series sina Dimples Romana, Charlie at Jake Cuenca with Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Jameson Blake, Kaila Estrada, Markus Paterson, Vance Larena, Miko Raval, Gian Magdangal, Aya Fernandez at Maxene Magalona.

Karagdagang ulat:

Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending