Ina ni AJ Raval tinawag na 'anak' si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan | Bandera

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Therese Arceo |October 20,2021
facebook
share this

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Therese Arceo - October 20, 2021 - 04:11 PM

Alyssa Alvarez ipinagtanggol ang anak na si AJ Raval at ang nanliligaw rito na si Aljur Abrenica.

NAGPAABOT ng mensahe ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez para sa aktor at manliligaw ng anak na si Aljur Abrenica. Ito ay matapos basagin ng aktor ang kanyang katahimikan ukol sa kanilang paghihiwalay ni Kylie Padilla.

Mukhang isa rin ito sa paraan niya ng pagsuporta sa aktor dahil kalakip ng kaniyang mensahe ay ang shared post niya ng pahayag ng aktor.

Ayon sa ina ni AJ, naikuwento na ng aktor sa kanila ang katotohanan noon pa man parq lubos nilang makilala ang pagkatao ng aktor.

“He told me everything from the start, para makilala ko ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin. Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap,” saad ng ina ni AJ.

Pinili na lamang daw niyang manahimik ukol sa isyunkahit na kabi-kabila na ang pambabatikos sa kanyang anak dahil naminiwala itong lalabas rin ang katotohanan.

Ngunit habang inaantay siguro niyang mailantad ang katotohanan ay hindi na rin niya natiis ang mga bashers na pilit ibinababa ang anak dahil nito lang nang isulat namin dito sa BANDERA nang sinagot niya ang ilan sa mga bashers ng anak.

Kaya naman nagpapasalamat siya ngayon sa aktor na tinawag niya ring anak nang magsalita na ito.

“Pero nag papasalamat ako kase tinupad mo ang sinabi mong di mo kami pababayaan.. alam ko hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo,” dagdag pa ng ginang.

Mukhang tuluyan nang naka-move on si Aljur sa pag-ibig niya sa asawa at na-fall na ng tuluyan kay AJ dahil nagawa nitong baliin ang pangako kay Kylie na hindi magsasalita sa publiko para lamang depensahan ang dalaga sa mapanghusgang netizens.

Nauna na ring nagpahayag ng pagsuporta si AJ sa kanyang manliligaw nang i-share nito sa kanyang account ang naging pahayag ng aktor ukol sa hiwalayan nila ni Kylie.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karagdagang ulat:

Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?
Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending