Jean Garcia may 'cryptic quote' kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn | Bandera

Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

Therese Arceo |October 20,2021
facebook
share this

Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

Therese Arceo - October 20, 2021 - 12:11 PM

Jean Garcia may 'crptic quote' kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

JEAN GARCIA

PASARING nga ba para sa anak na si Jennica Garcia at asawa nitong si Alwyn Uytingco ang photo quote na ibinahagi ni Jean Garcia sa kaniyang Instagram account nitong Martes, Oktubre 19?

Ito kasi ang kumakalat na espekulasyon mula sa mga netizens at mga “Marites” bagamat wala namang direktang tinukoy si Jean kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

“I may be many things, and there are even more I am not, but I would never do to you what you did to me, and I think that says a lot,” bahagi ni Jean na mula sa American novelidt na si Jessica Katoff.

Wala naman nang ibang detalyeng binanggit si Jean ngunit marami pa rin ang naghihinala na may koneksyon ito sa kanyang anak at sa asawa nito matapos lumabas ang balitang muli silang nagkabalikan.

Si Jennica ang unang nagbalita ng posibilidad ng kanilang pagbabalikan sa kanyang naging interview kay Lhar Santiago sa 24 Oras.

Matapos ang ilang araw ay kinumpirma naman ito ni Alwyn sa kanyang post sa Facebook kung saan nagpasalamat siya sa anak ni Jean sa pagbibigay sa kanya ng “second chance” para mabuo ang kanilang pamilya.

Mayo 2021 nang maghiwalay ang dalawa ngunit hindi nila inilabas sa publiko ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Maraming kumalat na baka nagkaroon ng financial problem ang dalawa ngunit nilinaw ng aktres na hindi pera ang naging problema. Dagdag pa niya, mabuting ama si Alwyn at hindi materialistic.

Isa naman si Jean sa nag-ala superhero na to the rescue sa kanyang anak. Matatandaan na pinutakte rin ni Jean ng mga comments ang mga Instagram posts ni Alwyn ngunit tila hindi siya nirereplyan nito pati na rin sa kanyang mga personal messages sa aktor.

Nawa’y magkaayos na rin sina Jean at Alwyn dahil bilang ina, paniguradong nasaktan rin ang beteranang aktres sa pinagdaanan ng kanyang anak.

Karagdagang ulat:

Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending