Kylie may patutsada matapos ang 'breaking silence' post ni Aljur | Bandera

Kylie may patutsada matapos ang ‘breaking silence’ post ni Aljur

Reggee Bonoan |October 20,2021
facebook
share this

Kylie may patutsada matapos ang ‘breaking silence’ post ni Aljur

Reggee Bonoan - October 20, 2021 - 11:04 AM

Kylie may patutsada matapos magsalita ni Aljur

“NEVER underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes,” ito ang post ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram story pagkalipas ng tatlong oras na nag-post ang dating asawang si Aljur Abrenica sa kanyang Facebook account na hinahamon nito ang aktres na magsabi kung sino ang unang nangaliwa.

Sa parte ni Aljur ay lumuwag na ang dibdib niya dahil nailabas na niya ang matagal na niyang kinikimkim na sama ng loob dahil siya ang sinisisi ng lahat kaya sila naghiwalay ni Kylie.

Inakusahang may babae ang aktor kaya iniwan siya ng ina ng kanyang mga anak na sina Axl Romeo at Alas.

Habang sinsusulat namin ang balitang ito ay walang bagong post si Kylie para ipagtanggol ang sarili sa paratang ng dating asawa.

Samu’t saring ispekulasyon na ang nababasa namin sa social media na ang itinuturong boyfriend ngayon ni Kylie ay ang aktor na si JM De Guzman bagay na matagal nang itinanggi ng aktres simula palang siyang ma-link sa Kapamilya actor.

Anyway, 70-30 ang mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa ginawa ni Aljur sa dating asawa na hindi raw nito dapat siniraan sa publiko ang ina ng kanyang mga anak.

Umabot na sa 281k comments ang post ng aktor, 185k shares at 370k reactions habang sinusulat namin ang balitang ito ng alas dos kinse kanilang madaling araw.

Ito ang opinyon ni @Mari Lou, “I hope your SONs, when they grow up will be proud to say that you are their father… after you lambasted their mother in public. God bless you! (emoji praying hands and sad face).”

Katwiran naman ni @Bryan Mendezabal, “Cheating is not the solution if someone cheated on you. Fix it instead of committing another mistake. Shame on you Aljur!”

Payo naman ni @Jackie Azada Dela Cruz, “Even Kylie who cheated first if you love her and your children you must fix your family not go to another girl that’s fast..”

May mga nagtanggol din naman kay Aljur.

Tulad ni @Enna-Eam Yagnun Aredeca, “Dapat ‘wag Puro si Aljur ang sisihin..’wag kayo one sided alamin niyo muna both side bago niyo husgahan.”

Opinyon naman ni @Rachel Figueroa, “Bilang babae, ang fishy talaga sakin ng mga reactions ni Kylie, kasi ang babae di gano’n mag-react na parang okay lang. HAHAHAHA. Ito talaga ‘yung sinasabi ko nauna nakipagdate si Kylie di lang talaga nagpopost. Hirap kasi satin, kapag ang lalake ang nagloko no but’s no if’s lagi sasabihin cheating is wrong pero pag ang babae ang nagloko sasabihin kesyo baka nagkulang si bf baka napagod lang. Anyways, buhay nila ‘yan wala pa tayong alam din naman. (emoji smiling face).

Sabi rin ni @Dotty Flores Sigao, “If Kylie cheated, and they broke up , although not in papers yet, I think, Aljur has the right to date someone else. It doesn’t mean that Aljur cheated because Kylie cheated. Aljur too has the right to love someone else. If this is true, Aljur has no fault, Kylie just received her karma. Imagine being cheated. If you are cheated, and you already broke up, it is so selfish to let your ex-husband stay single, while you are living with another man. Biblically, you can start off anew if your partner has cheated first or she/he died. If you don’t want to fix it after cheating. If it hurts a lot to fix it after cheating or if fixing wont work anymore after cheating.”

Matatandaang nila-like ni Kylie ang mga larawan nina Aljur at AJ at nagsalita pa na nag-usap na silang dalawa na okay silang makipag-date sa iba.

Sabi nga ni Ogie Diaz kay Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanyang Showbiz Update YouTube channel na kapag ganyan ang reaksyon ng babae ay iisa lang ang ibig sabihin, ‘na-fall out of love na si Kylie.’

Anyway, sa pagkakaalam din namin sobrang mahal ni Aljur si Kylie at kahit nag-aaway sila ay iniintindi niya ang nanay ng mga anak na tulad nga ng sinabi nito na nahirapan ang ex-hubby niya noong unang season ng pandemya dahil apektado ang mental health niya at kaaway ang tingin niya sa lahat. Nabanggit ito ng aktres sa panayam niya kina DJ Chacha at Sam YG.

Sa mga nagsabing hindi inayos ng aktor ang kanilang pagsasama ay sobrang sinuyo niya si Kylie to the max, pero bumitaw na ang huli at hanggang sa nalaman na nga nito na may ibang nagpapasaya na sa puso nito. Mahirap nga namang ipilit ang sarili sa taong hindi ka na mahal.

Kaya nga nasabi ni Aljur sa post niya, “Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now.”

Samantala, humingi kami ng green light sa aming source kung puwede kaming magbigay ng ilang detalye tungkol sa taong nagpapasaya kay Kylie, “no need na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Kylie Nicole Padilla.

Karagdagang ulat:
Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’
Aljur, Kylie may ‘comeback’ nga ba?
Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending