PINABULAANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang maling impormasyon na ipinakakalat ni Anakalusugan Representative Mike Defensor kaugnay ng pagtaas ng singil sa buwis sa lungsod.
Ayon kay City Attorney Orlando Casimiro, fake news at panlilinlang ang ginagawa ni Defensor.
Aniya pa, ang tinutukoy ni Defensor na buwis ay ang pagtataas sa assessed value of properties sa Quezon City at hindi ang land tax rate.
Ikinatwiran pa ni Casimiro na ang tinutukoy ni Defensor ay ang Ordinance Number SP-2556 na ipinasa noong 2016 kung kailan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay vie mayor pa lamang at presiding officer ng Quezon City Council.
Nagpalabas na umano ng temporary restraining order ang Supreme Court para ipatigil ang implemetasyon ng ordinansa matapos kwestyunin sa katastaasang hukuman noong 2017.
Ayon kay Casimiro, noon pang 2019, nangako na si Belmonte na hindi magtataas ng singil ang kanyang administrasyon sa real property tax.
Kaugnay na ulat:
Defensor, Castelo naghain ng P17B recovery roadmap para sa Quezon City