Vina umaming happy ang lovelife: May nagpapasaya naman sa akin ng konti…

Ceana at Vina Morales

NAPAGKAMALAN kaming “direktor” ni Vina Morales nang batiin namin siya sa kanyang kaarawan Linggo ng madaling araw, Okt. 17 sa Viber dahil sumagot siya ng, “Thank you Direk.”

Binanggit namin ang pangalan namin kaya natawa siya, “Yes I know … dami kasi greetings haha! Thankful. Been answering the B-day greetings (heart emoji). Nasa lock in taping ako now, been answering greetings, thankful dami nakaalala pero sleep na ako, may taping ako mamaya.”

Isa si Vina sa cast ng teleseryeng “Marry Me, Marry You” nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino mula sa direksyon nina Dwein Baltazar at Jojo Saguin produced by Dreamscape Entertainment.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay sumagot na si Vina sa tanong namin kung ano ang wish niya at kung may nagpapasaya na ngayon sa puso niya.

“To stay healthy and that goes to my family … more blessings. Ha haha! Meron naman nagpapasaya ng konti,” sabi ng aktres.

Hirit namin, sana kung sinuman ang nagpapasaya sa kanya ngayon ay ito na ang makatuluyan niya pero biglang kambyo si Vina, “Ha-hahaha! Wala noh!”

At dahil first time ni Vina sumabak sa lock-in taping dahil ito ang una niyang teleserye simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic kaya tinanong namin kung hindi ba siya nahirapan at kung ano ang mas gusto niya, uwian o itong bagong normal set-up na ipinatutupad ng ng pamahalaan.

Aniya, “It’s our last cycle mas mabilis pag lock- in taping. ‘Yun nga lang ma-miss mo family mo.”

Inalam namin kung tig-ilang linggo ang per cycle ng lock-in taping, “1st and 2nd cycle was almost 3 weeks, 3rd was a month, then now additional cycle for 5-days,” sagot ng aktres sa amin.

Samantala, sa susunod na taon ay teenager na ang anak niyang si Ceana na nasa Grade 7 na ngayon at kasalukuyang nasa Ate Sheila Magdayao dahil nga may trabaho ang aktres.

Malaking pasalamat ni Vina dahil sa panahon ng pandemya ay hindi siya nawalan ng trabaho.

Nagkaroon siya ng shows sa NET 25 na “Tagisan ng Galing” part 1 and 2 at ang musical sitcom na “Kesayasaya.” At ngayon naman ay balik ABS-CBN siya para sa “Marry Me, Marry You.”

https://bandera.inquirer.net/290859/vina-proud-sa-pagtatapos-ng-anak-sa-elementarya-never-stop-learning-and-always-give-your-best

Read more...