Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 'Bubble Gang' babes susugod sa 'TBATS' | Bandera

Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 ‘Bubble Gang’ babes susugod sa ‘TBATS’

Ervin Santiago |October 17,2021
facebook
share this

Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 ‘Bubble Gang’ babes susugod sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - October 17, 2021 - 04:11 PM

Ashley Rivera, Analyn Barro at Jo Berry

NANANATILING matatag at positibo ang pananaw sa buhay ng Kapuso actress na si Jo Berry sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok nitong mga nakaraang buwan.

Ibinalita ni Jo na magkakasunod na sumakabilang-buhay ang tatlo sa pinakamamamahal niya kapamilya — ang kanyang tatay, kapatid at lolo.

“Hindi naman na siguro ako magiging okay kagaya nu’ng dati kasi may mga nawala na sa akin and parte ’yon ng buhay. 

“Lahat tayo pagdadaanan ’yung ganoon. Siguro sa iba’t ibang way lang,” ang pahayag ni Jo sa panayam ng “24 Oras”.

Aniya pa, “Ngayon, ako, imbes na nagpapakalungkot ako, mas pinipili ko na gamitin ’yon para mas maka-move forward ako with life.” 

Sa ngayon, pilit ngang nagpapakapositibo ang aktres at nagpapasalamat siya sa mga bossing ng GMA 7 dahil binigyan uli siya ng bagong project na pagkakaabalahan niya sa gitna ng pagluluksa.

Siya ang bibida sa upcoming Kapuso show na “Little Princess” kasama sina sina Rodjun Cruz, Juancho Trivino at Angelika dela Cruz.

Napakalaki raw ng naitulong ng lock-in taping nila para sa “Little Princess” para mabawasan kahit paano ang kanyang pagdadalamhati.

“Yun talaga sinasabi nila sa akin bago sila umuwi sa heaven. Ituloy ko pa rin kasi alam nila na masaya ako rito. Masaya ako sa ginagawa ko,” pahayag ni Jo Berry.

Sey pa ng dalaga, super relate rin daw siya sa karakter niya sa bagong project dahil tinatawag din siya ng kanyang tatay na “princess.”

“Ever since bata pa ako, ’di ko naman nakikita yung sarili ko na little person. Laging ang taas ng pangarap ko,” sabi pa ni Jo.

* * *

Siguradong riot at punumpuno na naman ng good vibes ang inihandang episode ng buong tropa ng “The Boobay And Tekla Show” ngayong gabi sa GMA 7.

Tonight, makakasama nina Kapuso comedy duo Boobay at Tekla ang mga “Bubble Gang” babes na sina Ashley Rivera at Analyn Barro na tiyak na magpapasaya ng Sunday night n’yo.

Sa fresh episode ng “TBATS”, sasabak ang dalawang Kapuso stars sa interview segment na “May Pa-Presscon” at sasagutin ang mga maiinit at nakakaintrigang mga tanong.

ibabandera na ni Ashley ang rumors na nag-uugnay sa kanya at sa isang politiko habang ilalahad naman ni Analyn kung ano nga ba talaga ang tunay na relasyon nila ng kanyang rumored suitor na si Sef Cadayona.

Ibabahagi rin ng dalawang aktres ang ilan sa mga juiciest at wildest na istorya tungkol sa mga lalaki ng “Bubble Gang” sa pasabog na segment na “LaughLagan Na!”

Hindi rin magpapatalo sina Ashley at Analyn sa pagpapakita ng galing sa komedya sa segment na “Ang Arte Mo!”

At bago matapos ang Sunday night n’yo, sasabak ang dalawang Kapuso stars sa comedy-musical segment na “Birit Showdown” kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Kitkat, Buboy Villar at Ian Red.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong gabi na yan sa isa na namang paandar na fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show,” 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Tropa ng ‘Bubble Gang’ na-starstruck kay Bea: Grabe, ang galing-galing niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending