Alwyn todo pasalamat sa second chance na ibinigay ni Jennica: Thank you mahal for not quitting on me

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

“I HAVE to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.” 

Ito ang bahagi ng naging pahayag ng aktor na si Alwyn Uytingco tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng asawang si Jennica Garcia.

Nauna nang nagsalita ang Kapuso actress at celebrity mom hinggil sa pagbibigay niya ng ikalawang pagkakataon kay Alwyn matapos silang maghiwalay ilang buwan na ang nakararaan.

“I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave me what I was hoping for — for Alwyn to come back to us. He expressed his desire for family restoration,” ang naging pahayag ni Jennica sa panayam ng “24 Oras” kamakailan.

Ngayong araw, nagbigay din ng pahayag si Alwyn sa pamamagitan ng Facebook kung saan ginamit pa niya ang salitang Arabic na “habibi,” na ang ibig sabihin ay “my love.”

Narito ang ilang bahagi ng mensahe ng aktor para sa asawa at sa ina ng kanyang mga anak kalakip ang black-and-white silhouette photo nila ni Jennica: “‘Habibi…’

“When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace.

“I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.

“Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life.

“And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it’s impossible to achieve if I rely on my strength alone,” lahad ni Alwyn.

Todo rin ang pasasalamat ng aktor kay Jennica dahil binigyan pa siya ng second chance para maayos ang kanilang pamilya at hindi bumitaw sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.

“Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose. And without my wife’s boundless patience and love… I will be lifeless. Thank you, mahal, for not quitting on me.

“Thank you for letting me continue this life we started together.

“Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.”

“I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you,” ang binitiwan pang pangako ni Alwyn para sa pinakamamahal na wifey.

https://bandera.inquirer.net/295506/jennica-garcia-alwyn-uytingco-magkakabalikan-na-ba

Read more...