Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Cassy Legaspi, Rhea Tan at Alden Richards

KUNG magtutuluy-tuloy ang napakagandang takbo ng showbiz career ni Cassy Legaspi, walang duda isa na nga siya sa mga itinuturing na next promising star ng GMA 7.

Tinatawag na siya ngayon ng mga fans bilang multimedia princess dahil nga super active siya sa halos lahat ng platforms at kahit nga may pandemya ay hindi siya nawawalan ng projects.

Ayon kay Cassy, siguradung-sigurado na ngayon ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na ito na ang gusto niyang career at handa sigang gawin ang lahat para magtagal sa entertainment industry.

Sabi nga niya sa isang panayam, “I already knew na ‘Okay, ito na ang career ko. This is it.’ Gusto ko na talagang maging artista like full force. 

“Kasi I really enjoyed it. Yes, napapagod din ako but I’m still smiling even though I’m tired. Experiencing it made me realized I really, really want it!” pahayag ng kakambal ni Mavy Legaspi.

Umaasa at ipinagdarasal ni Cassy na sana’y mabigyan pa siya ng mas maraming acting projects, “Just to see if I can continue or maintain yung acting ko.” 

At isa sa mga ultimate dream project ng dalaga ay ang makatrabaho ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

“Of course, I’m happy to work with anyone and I think that would be a challenge for me, to build chemistry with someone who, let’s say is an acquaintance or I never met. Or maybe it would be nice kung friend ko siya. But yung dream partner ko is siyempre si Kuya Alden.”

Wala raw problema sa kanya ang kanilang nine-year age gap, “If it works, it works. He’s not that old naman. Di naman ganu’n kalayo yung age gap.

“But ayun nga po, as an actor, it’s more on chemistry. How it looks on TV. Kung may chemistry kami ni Kuya Alden, go na natin!” aniya pa.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings kay Cassy kabilang na ang bago niyang endorsement. Kabilang na siya ngayon sa palaki nang palaking pamilya ng Beautéderm Corporation.

Ang TV host-actress at celebrity influencer ang pinakabagong ambassador ng kumpanyang pag-aari ng award-winning at super successful young entrepreneur na si Rhea Anicoche-Tan.

“I have been Praying for you to be an official Brand Ambassador of Beautéderm and I am Grateful that my Prayers are Finally Answered.

“Welcome home my Dearest Cassy Legaspi I am Looking Forward to All the Wonderful Memories we will Create! Cheers!” ang caption ni Rhea Tan sa Instagram photo nila ng bago niyang “baby.”

Si Cassy ang ideal brand ambassador ng Facial Care Line ng Beautéderm dahil sa kanyang wholesome image at dahil sa napakalakas niyang reach sa mas batang segment ng merkado na makikita sa kanyang milyun-milyong followers sa social media. 

Maliban sa pagiging isang major social media influencer, nagkamit si Cassy ng mas malawak na mainstream recognition nu’ng lumabas sa GMA top-rater series na “First Yaya” kung saan ginampanan niya ang papel ni Nina Acosta habang co-host din siya sa “Sarap ‘Di Ba?” kasama ang kanyang parents at si Mavy.   

“Very welcome addition si Cassy sa ating family and we are thrilled to have her on board,” ayon sa Beautéderm President and CEO na si Rhea Tan na ipinagdiwang kamakailan ang kanilang Royale Beauté 12th anniversary celebration.

Aniya pa talagang ipinagdasal niya na maging bahagi ng kanilang kumpamya at “pamilya” ang aktres, “Cassy embodies the vibrancy of youthfulness and this best represents our line of products which are designed and formulated for all ages.”

Sabi naman ng Kapuso youngstar, “I am happy to partner with  Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin. Looking forward na ako sa mga gagawin namin in the near future.”

https://bandera.inquirer.net/290239/cassy-pinayagan-na-nina-zoren-at-carmina-na-magpaligaw-pero-bawal-pa-ring-mag-boyfriend

Read more...