Kim, Jerald, Candy natatakot bang malaos at pagsawaan ng publiko?
Jerald Napoles, Kim Molina at Candy Pangilinan
KUNG ang ibang artista ay natatakot malaos o mawala bigla sa limelight ng showbiz, kabaligtaran nito ang nararamdaman ng tatlong bida sa pelikulang “Sa Haba Ng Gabi.”
Sa nakaraang virtual mediacon ng upcoming zombie movie ng Viva Films, natanong nga ang celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina at ang veteran comedienne na si Candy Pangilinan tungkol sa isyu ng pagkalaos o ang pagsawaan ng mga tao.
Ayon kay Gerald, kailangang i-expect na ng isang artista ang katotohanan na darating at darating talaga ang panahon na hindi na interesado ang publiko sa kanya.
“Kasi ano eh, maraming bagay sa buhay na pagtutuunan ng atensyon at enerhiya na naka-allocate ‘yan eh. Dapat aware ka na ang bagay dumarating at nawawala. Tumatanda tayo, may mga bagay na dumarating o nawawala.
“So dapat umpisa palang aware ka na para wala ka nang takot kung malaos ka man o hindi eh. Para lang may troubleshoot ka pagtanda,” sey pa ng aktor.
Pag-amin naman ni Kim, “Ako honestly, it scared me before. Lalo kasi I started late na eh kung titignan as a female na biglang nag-artista.
“Tapos medyo gusto ko lang maging singer lang. So basically my journey all throughout. It scared me kasi nga baka hindi ako umabot. I was launched parang late na eh,” aniya pa.
“Pero nu’ng nag-pandemic, it really changed me. The pandemic did really change me. My perception in life it did na meron ako na, ‘it doesn’t matter anymore.’
“If you think that you delivered what you want as an artist, which I think I already did kahit paano with Je, so I’m happy with what I got to share with people already and to be able to continue in the long run pa.
“In terms of malaos or pagsawaan ng mga tao, hindi ako natatakot. Kumbaga hindi ako natatakot kasi ako I’m just still going to be very happy for the younger generation na ‘di ba, nakakapag-share pa ng talent nila. That’s me now,” sey pa ni Kim.
https://bandera.inquirer.net/295122/zombie-movie-nina-kim-jerald-at-candy-comedy-version-ng-kingdom-shooting-binagyo-nilindol
Ayon naman kay Candy, hindi rin siya natatakot na pagsawaan siya ng mga manonood, pero bilang single mother, nangangamba siyang mawalan ng trabaho.
“Pero nandoon ako not because malaos but nandoon ako sa wala akong trabaho. And I have to feed my family, I have to take care. Take care kasi I’m a single mom and I have to take care of my child. So andoon ako sa I have to do ways and means na mabuhay,” paliwanag ng beteranang komedyana.
“Pero eventually, popularity and ano, mawawala. Dapat ano lang, you find ways na ma-reinvent ang sarili mo eh.”
“Nakakatakot bang malaos? Siguro para mo na ring nasabi na nakakatakot tumanda pero lahat tayo papunta doon. Parang sinabi mo na nakakatakot mamatay pero lahat din papunta do’n. Yun ang mga bagay na hindi natin matatakasan,” aniya pa.
Mapapanood na ang “Sa Haba Ng Gabi” sa Vivamax simula sa Oct. 29. Ito ay sa direksyon ni Miko Livelo and produced by the Master of Horror na si Erik Matti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.