Jeric Raval, AJ Raval, Baron Geisler, Kylie Padilla, Robin Padilla at Aljur Abrenica
DIRETSAHANG inamin ng action star na si Jeric Raval na medyo nahihiya siya kay Robin Padilla dahil sa relasyon umano ng kanyang anak na si AJ Raval kay Aljur Abrenica.
Kaibigan kasi niya si Binoe at ayaw naman daw niyang maakusahan ang anak niya na siyang third party sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla na anak nga ni Robin.
Sabi ni Jeric sa isang panayam, may tatlong bagay lang daw siyang tinanong kay Aljur nang magkita sila, “Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’ Second, kung ‘Ikaw ba ay hiwalay na?’ Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo (Robin) kung aksidenteng magkita kami?'”
“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya. Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko,” sabi pa ng aktor.
“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’ Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan,” diin pa ni Jeric.
Samantala, sa nakaraan namang virtual mediacon ng upcoming movie ng Viva Films na “Barumbadings” sa direksyon ni Darryl Yap, first time gaganap na bading si Jeric.
Makakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Baron Geisler, “Inampon kami from childhood ni Joel Torre as Mother Jewel who owns the fashion shop na House of Joy. Hindi nagbabading-badingan lang ang characters namin dito, kundi gays kami talaga.”
Pag-amin pa ng aktor, “Noong una, naisip ko, respetuhin pa kayo ako ng fans pagkatapos kong gawin ito? Pero bilang actor, I want to try to do all kinds of roles, lalo ngayon na sa mga ginagawa ko, suporta lang ako. Tapos, okay naman co-stars ko, tinanggap ko.”
Ani Jeric, talagang nahirapan siya sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Darryl, “As an action star, nahirapan akong mag-adjust. Kasi I did 48 action movies na bida ako, laging brusko, macho. So hirap ako rito kasi kailangan kong kumilos at magsalita ng malambot at makipag-fight scene na naka-stilleto high heels.”
https://bandera.inquirer.net/287675/jeric-raval-umabot-sa-18-ang-anak-mula-sa-6-na-babae-pangarap-maging-rapper-tulad-ni-francis-m
Isa raw sa mga challenging scene na ginawa niya sa “Barumbadings” ay, “Siyempre, yung action scenes na nagtatakbuhan tapos naka-high heels ka. Before we shot, I have to practice a lot how kung paano maglakad at tumakbo ng naka-heels.
“Noong una naaalibadbaran talaga ako, kasi naka-bra pa ako. But as the shooting went on, I enjoyed it and I’m now praying magkaroon sana ito ng part 2 kasi Direk Darryl said trilogy raw ito, e,” kuwento pa ni Jeric.
Ano naman ang naging reaksyon ng pamilya niya sa unang pagganap niya bilang beki? “Actually, yung family ko was excited sa project na ito. Doon sa ibang projects ko, wala silang reaction. But here, naging interested sila and they even asked kung kailan ito ilalabas? So sabi ko, mukhang maiintriga ang mga tao sa project na ito.
“Nang makita ako ng daughter kong si AJ na naka-make up, sabi niya, magkamukha raw pala kami. Sabi ko, oo naman, ganyan ang hitsura ko nu’ng bata pa ako.
“Yung character ko rito, hindi nagsasalita. Iisa lang ang dialogue ko rito all throughout: Mother. Tahimik siya, pero matinik at mapanganib,” sey pa ng action star.
Mapapanood na ang “Barumbadings” sa Vivamax simula sa Nov. 5.