SA nakaraang “Sakalam” Global mediacon ni Gigi De Lana kasama ang kanyang Gigi Vibes band na hatid ng Star Music, inamin nilang magkakasama sila sa bahay dahil mahirap pag nag-uwian sila lalo na kapag inaabot sila ng madaling araw sa kanilang live performances sa social media accounts nila.
Isa ang pagkakaroon nila ng bahay ang pinaka-sakalam (malakas) na nangyari sa grupo nila simula nu’ng magkaroon na sila ng online platforms para sa kanilang live performances.
Sa house tour na ginawa ni Karen Davila sa bahay nina Gigi, ipinakitan nitong sa salas natutulog ang apat na bandmates niya na may kanya-kanyang latagan ng matress. Si Gigi naman ay mamahaling massage chair ang pinaka-kama niya dahil kapag pagod siya ay doon na siya nakakatulog habang mina-massage siya.
Kasama nina Gigi sa bahay ang mommy niya na nagpi-prepare ng mga kailangan nila, pero lahat naman ng miyembro ng banda ay may kanya-kanyang toka.
“After po naming mag-live, eto na, matutulog na kami,” sabi ni Gigi kay Karen.
Sa nasabing bahay ay pitong lalaki ang kasama nina Gigi, bukod sa bandmates niya, nandoon ang tagaluto nila, ang Tritone producer at director nilang si Erwin na boyfriend din ng dalaga at isa pa.
At dito nalaman ni Karen na isa sa dahilan kung bakit nagsusumikap ng husto si Gigi ay para makaipon ng pampagamot ng mama niyang may stage 2 breast cancer.
“Sabi niya po ipa-opera na raw namin, sabi ko hindi ko pa kaya, mag-iipon muna ako,” kuwento ni Gigi kay Karen.
Ipinakita sa video na mag-isa lang ang mama ni Gigi sa isang malaking kuwarto kung saan may oxygen tank at ilang medical supplies, naka-face mask at doon na rin kumakain sa kuwarto.
Hindi na pumasok sa kuwarto si Karen, kumaway at bumati na lang siya sa ina ng singer.
Inamin din ng Rise Studio Artist na malaking bahagi ang nagawa ng “Tawag ng Tanghalan” kung saan naging contestant siya dahil marami ang nakapanood at maraming nag-iimbita sa kanya para kumanta noong wala pang COVID 19 pandemic. Dahil dito ay nakayanan nilang umupa ng bahay na dati ay nakikitira lang sila.
Kaya pangako ni Gigi na gagawin niya ang lahat mapagamot ang ina, “A,”sambit nito kay Karen.
At simula nu’ng magkakasama na sila ng bandmates niya sa bahay ay hindi na siya masyadong nalulungkot dahil may mga kausap at kabatuhan na siya na itinuring niyang pamilya.
Sa global mediacon nga ng “Sakalam” na unang single nina Gigi ay ibinuking ng banda na masungit ang dalaga.
Sabi ni Jon Cruz (keyboardist), “minsan po trip lang niyang magsungit, susungitan niya ako, ha, haha.”
Tumatawang sagot naman ni Gigi, “yes po minsan trip ko lang mang-away kasi gusto ko ng lambing. Tapos pag lalambingin ako, ayaw ko na.”
Samantala, may hypothetical question ang host ng mediacon na si DJ Jhaijo.
“What if ‘Gi, kailangan kang i-push as a solo singer, maiiwan mo ba ang band mo for career move kagaya ng iba na iniwan din ang banda to go solo. If you’re not ready to answer the question, I’m fine. I hope you’re not offended boys,” malumanay na tanong nito.
Unang sumagot si L.A (guitarist) “for me naman kasi kapatid namin ito, whatever makakabuti sa future niya okay lang. Ang laki na ng tulong na ginawa ni Gigi sa amin at sa families namin, so whatever ‘yung sa future is really up to her. For us we’ll support and respect her.”
“Kung saan ka masaya Gigi, bahala ka sa buhay mo,” tumatawang sabi ng bassist na si Jake Manalo.
Sabi naman ng composer ng “Sakalam” at drummer ng grupo na si Romeo Marquez, “nire-respect ko ‘yung gusto mo. Masaya kami sa tatahakin mo.”
Ayon naman kay Jon, “kung feeling mo makakabuti sa career mo, why not di ba? Siyempre malulungkot ako pero hindi ka naman mago-grow kapag nag-stay ka sa isang lugar. So, for you to grow, you need to… umalis.”
Para kay Gigi, “Ako naiiyak ako kasi ang sagot ng utak ko ngayon, siyempre ang utak wala namang emosyon. Ang sinasabi ng utak ko ngayon, ‘oo.’
“May possibility na mangyari pero sinasabi ng puso ko (sabay hawak sa dibdib) ayoko! Ayoko silang iwan kasi sa totoo lang nu’ng walang-wala ako nandiyan sila para sa akin.”
Para hindi tuluyang lumuha si Gigi ay nagpapatawa ang bandmates niya, “’wag kayong tumawa, paki-mute nga sila.”
“Sinasabi ng puso ko ngayon hindi pa ready kasi if ever in time na maging solo artist ako parang hindi ako magiging masaya. Hindi ko magagawa ‘yung gusto kong tunog kasi nag-grow akong kasama ko sila.
“So, puwedeng-puwede akong mag-grow ng kasama ko pa rin sila kasi hindi ko sila iniwan, sila, hindi rin nila ako iniwan tinanggap nila kung sino ako.
“Yung pagto-topak ko, ‘yung paga-ano ko sa live (show), namamatol ako ng bashers, nag-aaway kami hindi nila ako iniiwan (tila batang nagsusumbong).
“Minsan palpak ‘yung pagkanta ko (sabay singhot), minsan naiirita ako sa live, minsan ‘yung mata ko sa kanila (masama ang tingin).”
At bilang kapatid nilang babae ay sinasabihan siya ng mga itinuring niyang kuya, “sabi nila, Gidget ‘wag ganu’n. So ‘yung growth na nakikita n‘yo ngayon kung paano ako ka-honest sa harap ninyo ngayon, gawa rin nila. Kung puwede ko lang sabihin ang pinagdaanan namin ngayon ay maiintindihan ninyo kung ano ang sinasabi ng puso ko ngayon.
“Alam ko hindi forever ang Gigi Vibes (band), pero gagawin naming maging forever siya hindi lang sa platforms kundi sa puso ng mga nanonood sa amin na tatak na ang Gigi Vibes hindi lang ‘yun basta show, they are teaching us how family works, how friendship works, how trust and truthfulness works.”
At sabay punas ni Gigi ng kanyang mga mata.
Anyway, looking forward sina Gigi at Gigi Vibes band niya sa 1MX Dubai Filipino Music Festival sa Disyembre kung saan kasama sila. Mapapakinggan naman ang Sakalam sa iba’t ibang digital music plantforms at ang musi video nila ay sa Star Music Youtube channel at para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).
Karagdagang ulat:
Gigi de Lana, Gigi Vibes Band inalala kung paano nagsimula; masaya sa paparating na debut album
Gigi de Lana naiyak sa presscon, umaming heartbroken: Recently masyado akong emosyonal…