CHILL lang ang singer at songwriter na si Rico Blanco sa pangne-nega ng isang netizen sa kaniyang litrato na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account.
Nakasuot ang singer ng plain black shirt, plain black baggy pants, black face mask at may nakasabit na tote bag na itim na may artwork na gawa ni Poklony Anading.
“Nakalabas lang ng gate nagpa pic na,” caption nito.
Isang netizen naman ang nag-comment at nang-okray sa paraan ng pananamit ni Rico.
“Idol parang nagiging silahis na pormahan mo ah (peace sign emoji),” comment ng netizen.
Magalang naman itong sinagot ng singer at songwriter ng, “Lawakan natin isip natin bestfriend.”
Marami naman sa madlang pipol ang nagtanggol sa pang-ookray ng netizen.
“Real men aren’t scared of real fashion plus he’s getting younger,” depensa ng isang netizen.
“Hindi naman pormahang silahis yan eh… dami kaya nagsusuoy ng ganyan lalo na dito sa Korea. Mga pamangkin ko nga na lalaki ganyan pormahan,” saad naman ng isa.
“Sa pilipinas lang lang may malaking diskriminasyon sa kasootan kung ano ng suot ng iba dpt ganun ka di para hnd ka mging kakaiba o katatawanan.. pero sa ibang bansa sa napunthan ko kahit ano isuot mo walang problema walang ganyang mentalidad its a free country,’ sey ng isa pa.
“Yun pag pinoy nkasuot ng ganito may pagkabading daw. Pero pag mga lodi niong Kpop paunahan pa kayo gayahin,” hirit pa ng isang netizen.
Sa panahon ngayon ay dapat open na ang lahat sa kung ano man ang gustong porma ng isang tao dahil hindi naman porke lalaki ay hindi ka na pwedeng mag-explore sa kung ano ang preference mo sa fashion.
Pero kung papansinin, nahahawig ang porma ni Rico Blanco sa larawan noong panahon ng 90s.
Karagdagang ulat:
Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?
Rico Blanco payag maging housemate sa PBB season 10, pero may nakakalokang hirit ang pamilya