Marco Gumabao, Julia Barretto at Marco Gallo
PARA hindi makaramdam ng stress o boredom ang mga kasama sa lock-in taping ng 14-episode series ng “Di Na Muli” nina Julia Baretto, Marco Gallo at Marco Gumabao mula sa direksyon ni Andoy Ranay ay naglalaro sila ng volleyball kapag free day nila kabilang na ang production staff.
Ito ang ipinagtapat ni Direk Andoy sa virtual mediacon ng “Di Na Muli” nitong Martes ng gabi. Talagang siniguro niyang naaalagaan nang mabuti ang lahat ng nasa set.
“I made sure that their set is very comfortable for them because sobrang stressful kasi nga naka-lock in kami for a month and I really need to make them feel very, very comfortable on the set and off the set. So, pag free day namin, nagba-volleyball kami,” kuwento ni Direk Andoy.
Natawa naman ang host ng mediacon na si Candy Pangilinan, “Sportsminded ang direktor, puwede!”
Sinang-ayunan din ito ng direktor, “Yes sportsminded. Tapos ‘yung mga boys naman nagba-basketball tapos nagtsi-cheer kami kaya masaya lang ganu’n. Para nakaka-distress din kasi it is really overwhelming.
“Tapos si Julia first time niyang nakatrabaho si Marco Gallo, so kailangan talaga i-double time ‘yung pagiging close nila tapos medyo intimate (mga eksena) kasi in love na in love sila dapat sa isa’t isa, eh. So ‘yun ang mga ginawa naming measures sa set,” sabi pa niya.
Natanong naman si Julia kung ano ang naging preparation niya sa “Di Na Muli” dahil matagal siyang nawala sa telebisyon at pagbalik niya ay lock-in taping na kaya paano rin ang adjustment niya rito.
“To be honest siguro nu’ng before entering the bubble (shoot), It’s really nervous because my last show was in 2019, Ngayon at Kailanman (kasama si Joshua Garcia) and I had to do this one in 2021.
“I was nervous but first of all it was my first lock-in, first meeting bubble set-up kong na-experience I didn’t know how I was going to react to that mentally, physically and emotionally.
“Second, you know what it was my first project with Viva and of course you know, I just didn’t know but you know I trusted them, I trusted everybody that I was working with and you know that there’s a lot of people on the show that I’ve already worked with so that made me things more comfortable for me.
“But you know what, I think once I step into the set I think I always say this pero I really feel a lot like myself when I’m acting and I think I feel more like of myself and more in my element when I’m already on the set.
“Nu’ng nag-start na kaming magtrabaho medyo na-miss ko pala ‘yung part na ‘yun tungkol sa sarili ko. Na-miss ko ‘yung sa sarili ko na umarte ulit. So, when we begun I think wala ang saya lang ng trabaho.
“Ang saya ko lang no’n kasi it reminded me how much I love what I do despite of what happened for the last two years, so it was a good reminder, mahal ko itong ginagawa ko,” masayang kuwento ni Julia.
Samantala, bukod sa napapanood ang “Di Na Muli’ sa TV5 tuwing Sabado, 7:30 p.m. mula sa Cignal at Sari Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment ay may catch-up airing din ito sa Sari Sari Channel, 7 p.m. Mapapanood na rin ito sa Vivamax sa ikatlong linggo ng Oktubre.