Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco
ALIW na aliw ang mga netizens sa ipinost na video ni Gretchen Barretto sa Instagram kung saan diretsahan niyang sinabi na “ginamit” lang siya ng kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.
Mapapanood sa nasabing video si Gretchen habang nakikipagtsikahan sa kanyang mga kaibigan kung saan kasama rin nila ang business tycoon na game na game na nakipagbiruan sila.
Actually, part 2 na ito ng IG post ni Gretchen kung saan nabanggit niya ang “big revelation” tungkol sa relasyon nila ni Tonyboy. In fairness, tatlong dekada na rin silang nagsasama at biniyayaan ng isang anak — si Dominique Cojuangco.
Maririnig sa unang IG video ni Greta si Tonyboy na nagsabing, “Ang dami-daming babae dito pero sa totoo lang, si Gretchen pa rin ang pinakamaganda.”
Sa sumunod ngang bahagi ng video ay nabanggit naman ni Gretchen ang kanyang rebelasyon makalipas ang 27 taon. Dito itsinika ng aktres na “ginamit” lang siya ni Tonyboy at ito’y dahil sa kanyang ganda.
“Imagine that revelation after 27 and a half years, na-realize ko ginamit lang ako nitong mamang to,” ani La Greta.
“He said, ‘kaya ko lang naman sinamahan yan kasi ang ganda-ganda niya,'” dagdag pang chika ng aktres sabay hirit ng, “Eh, paano kapag hindi na ako maganda?”
Hindi naman agad nakasagot si Tonyboy, kaya sey ni Gretchen, “Bingi na siya! Ha-hahaha!”
Bago pa nakasagot ang mayamang negosyante ay nag-dialogue na ang isa sa mga kasama nilang nagdi-dinner, “But the truth is, another revelation, ikaw pa rin daw ang mas maganda.”
Hinarap muli ni Gretchen ang kanyang partner at tinanong kung anong gagawin niya kapag dumating yung araw na hindi na siya maganda.
“Paano nga kung biglang hindi na ako maganda? Paano ‘yan Dada?” ang pangungulit ni Gretchen kay Tony.
“It’s a challenge for you,” pagsingit ng isa sa mga kaibigan nila.
Sagot naman ni Tonyboy, maghintay muna siya ay pag-iisipan daw niya nang mabuti ang kanyang isasagot, “Can I finish? Can I finish. I really need a smart answer, sabi niya. Ha-hahaha!
“Okey take your time. As long as it’s the answer I wanna hear,” ang natatawang chika pa ni Gretchen.