Julia suportado si Leon sa pagba-vlog; Juliana Gomez ‘ideal girl’ para sa kapatid

RAMDAM ang suporta ng aktres na si Julia Barretto sa kaniyang kapatid na si Leon Barretto na bago pa lamang sa mundo ng pagba-vlog.

Bukod pa rito, marami talaga sa madlang pipol ang nagre-request na gumawa ang binata ng vlog kasama ang aktres. Marahil na rin sa bukod sa sikat ang aktres ay magkamukhang-magkamukha ang dalawa at papasang kambal.

Tila normal na kuwentuhan lang naman ang ginawa ng dalawa dahil game lang ang aktres na sagutin ang mga tanong ng kapatid.

Base sa video, pangarap ng aktres na bumida o makasama sa isang action films.

Para rin sa aktres, isa ang pagiging volleyball player niya noong high school sa mga best experiences niya.

Nang tanungin naman ni Leon ang kapatid kung ano ang nais nitong i-take na career path para sa kaniya, diretsahan niya itong sinagot ng “Not artista.”

“I keep telling Leon this, seriously, sorry. ‘Leon, be whatever you want, no one’s gonna freakin’ stop you, ‘wag ka lang mag-artista,” natatawang saad ni Julia.

Bet rin daw niya ang kapatid na maging basketball player dahil sa height nito at dahil na rin sa naging experience niya bilang volleyball player.

Naitanong rin ni Leon kung saang school nakikita ng aktres anng sarili na nag-aaral bago ito pumasok sa showbiz.

“I wanted to really study in abroad and that’s something that I really really had planned out with a friend of mine before. This was all before I re-entered the [show] business but I guess that wasn’t the plan for me at that time but still I really want to do college in the futureand I’ll find time for that. Right now, I just want to make money,” sagot ng aktres.

Dumating na nga sa topic ng pakikipag-date ang dalawa at dito na lumabas ang pagiging protective sister ni Julia.

“At what age? Now? Don’t have a girlfriend,” saad ni Julia nang tanungin kung ano ang best advice nito sakaling magkaroon na ng dyowa si Leon.

Muli na namang nasupalpal ang binata nang tanungin niya ang kapatid kung anong age siya papayagan nito na makipag-date.

“I’m not suggesting now but you know what, it’s the relationship we enter into that help mold and shape us into the people that we are today.

“We become better partners to like the present/future partners that you may have but I feel like with every relationship that you enter into, no matter ilan pa ‘yan, you really pick up something from it, you learn something from it, and then the next partner you might have, you’re better,” bonggang say ni Julia.

Napaisip naman nang matagal ang aktres nang tanungin siya kung sino ang ideal girl niya para sa kapatid.

“Juliana Gomez,” say niya.

Si Juliana ay ang anak nina Lucy at Richard Gomez.

“Hindi ko alam. I want somebody that will make you happy… kahit hindi naman nice sa ‘yo. Ganon ang ang love sa umpisa, kahit hindi nice sa ‘yo, happy ka lang, okay lang ‘to, okay lang to lahat tapos after marerealize mo, ‘ay parang ‘di siya nice sa ‘kin’.

“Syempre somebody that will get alonh with the family. Although everybody naman who enters the family easily gets along with.

“Alam mo the best kind of partner to have is the partner who is supportive, who brings out the best in you, pushes you ti be the best version of yourself, who inspires you without instilling it to you but inspires by just being. A partner who leads by example is a great partner,” on point na sey ng aktres.

Anyway, isa si Juliana sa mga ka-close nina Leon at ng isa pa nitong kaibigan na si Claudia.

Pero mukhang hindi pa ito mangyayari anytime soon dahil kasalukuyang napapabalitang may dyowa si Juliana na isang fencing athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista.

Read more...