Anak ni Bossing lantaran ang suporta kay VP Leni, inokray ng bashers: Ano’ng klase kang anak?

Vic Sotto, Tito Sotto at Paulina Sotto

SINUPALPAL ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Paulina Sotto ang mga bashers na bumatikos sa kanya matapos ibandera ang pagsuporta sa pagtakbo ni Leni Robredo sa 2022 elections.

Isa si Paulina sa mga personalidad na hayagang nag-post sa social media na susuportahan niya ang kandidatura ni Leni na tatakbong pangulo sa susunod na taon kung saan makaka-tandem nito si Sen. Kiko Pangilinan bilang bise-presidente.

Alam naman ng lahat na tiyuhin niya si Sen. Tito Sotto na tatakbo ring vice-president sa 2022 na siya namang runningmate ni Sen. Ping Lacson na kakandidatong pangulo.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Paulina ang kanyang selfie photo suot ang pink face mask gamit ang hashtag #LabanLeni2022. Pink ang political color ni VP Leni bilang presidential candidate.

Sa isa pa niyang Instagram Stories nag-post uli si Paulina ng mensahe tungkol sa pamilya at sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

“FYI: You are not obliged to support or promote someone simply because you are related to them or have connections to them. Enough is enough. It’s time to focus on what our country needs,” diin ng anak ni Bossing.

Dahil dito may mga pumuri sa tapang at paninindigan ng anak ni Bossing pero meron ding nangnega sa kanya at sinabihang anong klaseng anak at pamangkin daw siya at sa kalaban pa kumampi.

May netizen naman ang nagkomento na huwag na niyang gamitin ang apelyidong Sotto kung hindi niya masusuportahan ang kanyang kapamilya at kadugo.

Sagot ni Paulina, “You mean the kind of daughter that can think for herself and is entitled to her own opinions?”

Para naman sa mga pumuri sa katapangan niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman at manindigan sa kanyang pinaniniwalaan, “It’s kinda wild to me how so many of you are messaging me saying I’m brave when I feel like what I said is just common sense at this point.

“Our country has been suffering so much that it deserves to be prioritized. If your intentions are in the right place, then it shouldn’t be an issue for anyone.

“But I do appreciate the support and encouragement. We Can do this! #LabanLeni2022,” aniya pa.
Si Paulina ay anak ni Bossing sa dati niyang partner na si Angela Luz at pamangkin ni Tito Sen.

Read more...