Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon... | Bandera

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Ervin Santiago |October 11,2021
facebook
share this

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Ervin Santiago - October 11, 2021 - 11:57 AM

Mikee Morada at Alex Gonzaga

PINALAGAN ng politikong si Mikee Morada ang naging pahayag ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa kanyang asawang si Alex Gonzaga.

Hindi nagustugan ni Mikee ang ipinost ni Lolit Solis sa kanyang Instagram nitong nagdaang Sabado hinggil sa balitang nakunan daw si Alex dahil ang feeling niya ay below the belt na ang pinagsasabi nito.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa,” ang pahayag ng talent manager.

Aniya pa, “Hindi naman siguro totoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex at Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. 

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?” sabi pa ng veteran entertainment columnist.

Mensahe pa niya kay Alex, “At be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen.”
Maraming nag-react sa naging pahayag ng talent manager at karamihan ay nagsabing ipagdarasal din nila ang kundisyon ng TV host-vlogger.

Ngunit hindi nga ito nagustuhan ni Mikee kaya naglabas din siya ng saloobin hinggil sa issue. Aniya, nasaktan siya sa ipinost ng manager at humiling ng respeto para sa kanilang mag-asawa.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” dagdag pa ni Mikee.

Wala pang inilalabas na pahayag si Manay Lolit tungkol sa naging komento ni Mikee sa ipinost niya sa Instagram.

Mula noong ikinasal sina Alex at Mikee ay ilang beses nang napabalitang buntis ang sister ni Toni. Last March ay kumalat ang balita na buntis na raw si Alex dahil sa cryptic post nito tungkol sa “big blessing” na natanggap niya.

Pero ayon sa vlogger at aktres, hindi pa siya pregnant at ibang blessing daw ang tinutukoy niya sa kanyang Twitter post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang vlog sinabi rin ni Alex na gusto niyang magkaroon ng dalawang anak in the future, “In five years, we’ll probably have two kids. Isang toddler tsaka isang baby. Tapos nakatira na kami doon sa pinagagawa naming bahay na tinulungan kami ng parents namin pareho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending