Tropa ng ‘Bubble Gang’ na-starstruck kay Bea: Grabe, ang galing-galing niya!

Bea Alonzo at Faye Lorenzo

BUKOD sa sandamakmak na acting award na natanggap bilang isang drama actress, kering-keri rin pala ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang mag-comedy.

In fairness, pinabilib ng dalaga ang mga pambatong komedyante ng Kapuso Network nang mag-taping siya para sa longest-running gag show ng “Bubble Gang” na pinangungunahan pa rin ng comedy genuis na si Michael V.

Talagang nakipagsabayan daw ang girlfriend ni Dominic Roque sa pagpapatawa ng buong tropa ng “Bubble Gang.” Hindi raw nagpatalbog si Bea at pinatunayang pwede rin siyang maging komedyana.

Aminado naman ang ilang “Bubble Gang” stars na super na-starstruck daw talaga sila kay Bea kabilang na ang “Viral Queen” at Kapuso sexy star na si Faye Lorenzo.

“Sobrang na-starstruck po ako. Na-starstruck po ako sa kanya kasi ang ganda po niya, tapos ang bait. Actually, nagpa-picture nga rin po ako sa kanya.

“Kasi idol ko rin po talaga siya lalo na kapag sa drama. Grabe, ‘di ba po? Kaya sabi ko, ‘grabe makakatrabaho ko siya at makakaeksena ko siya.’ So, ‘yun po, ang saya kasi mabait po siya, ang galing po niya!” ang chika ni Faye sa panayam ng GMA.

Hirit pa ni Faye, “Parang kahit saan po siya ilagay puwede kayang-kaya niya po. Kahit mahaba po ‘yung script, walang problema, kayang-kaya niya.

“Kasi nakausap ko si Kuya Betong (Sumaya), kaeksena niya si Kuya Betong humanga rin sa kanya, kasi nga ang haba nu’ng script niya wala man lang buckle. Hindi niya nalimutan, so grabe ang galing po,” aniya pa.

* * *

Tinanghal na National Winners ang ilang programa ng GMA Network sa 2021 Asian Academy Creative Awards. Ibig sabihin nito ay magiging kinatawan sila ng Pilipinas sa darating na Gala Night ngayong Disyembre at makikipagtagisan sa mga entry ng ibang bansa sa Asya.

Dalawang award ang napanalunan ng “24 Oras.” Isa rito ang national winner sa “Best News Programme” category para sa Special Coverage nito ng Typhoon Ulysses sa Luzon. Ang report nito na Typhoon Ulysses Marikina Rescue naman ang nagwagi bilang “Best Single News Story/Report” sa Pilipinas.

“Best Current Affairs Programme or Series” naman ang ire-represent ng Reporter’s Notebook para sa ‘Lilibeth, Sonia, Frank and Nabel’ dokyu nito.

Sa ikaapat na sunod na taon, tinanghal na “Best Infotainment Programme” ang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Winning episode ngayon taon ang kuwento ng ‘Baby Switching’ na talaga namang tinutukan ng mga manunuod at naging laman pa ng mga balita.

Tinalo naman ng “All-Out Sundays” ang ibang entry mula sa Pilipinas nang iuwi nito ang “Best General Entertainment Game or Quiz Programme” award.

Double win din ang natanggap ng “The Lost Recipe” dahil ito ang pambato ng Pilipinas sa “Best Editing” at “Best Visual or Special FX in TV or Feature Films” categories.

Read more...