Promise ni Doug Kramer sa 13th wedding anniversary nila ni Chesca Garcia: I’d marry you over and over again!

Doug Kramer at Chesca Garcia

HANDANG pakasalan nang paulit-ulit ni Doug Kramer ang kanyang asawang TV host at dating aktres na si Chesca Garcia.

Ito ang ipinangako ng dating PBA player kay Chesca kasabay ng selebrasyon ng kanilang 13th wedding anniversary.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Doug ng kanyang emosyonal at super sweet message para kay misis bilang pagbati sa kanilang anibersaryo bilang mag-asawa.

Ibinahagi ng dating cager ang litrato nila ni Chesca na magkasama na may caption na, “I’d marry you over and over again! These 13 years of marriage since Oct 9, 2008, and 18 years overall since Oct. 9, 2003 have been an amazing journey!”

Nag-share rin siya ng ilang photos nila ng kanyang wifey na kuha sa kanilang wedding.

“Every lows and every highs that we’ve experienced, I wouldn’t change anything at all. I’d do it all again because we’re together,” sey pa ni Doug.

Ipinagdiinan din niya na walang “magic formula” sa mas matatag at mas masaya nilang relationship. Ang mahalaga raw ay palagi nilang pinipili ang isa’t isa kahit na ano pa ang mangyari.

Hindi rin daw nila hinahayaan na maapektuhan ng kahit anong kanegahan ang kanilang pagsasama kaya naman napapanatili nilang magaan at punumpuno ng pagmamahal ang kanilang married life.

“I love you more than you’ll ever know sweetheart. Happy anniversary to us!” pahabol pang mensahe ng retiradong PBA player.

Samantala, nag-post din si Chesca ng litrato nila ni Doug at sinabing kapag may espesyal na okasyon ay hindi talaga nakakalimot ang asawa na regaluhan siya ng alahas.

Ngunit aniya, kahit wala naman daw regalo sa kanya si Doug ay okay lang sa kanya dahil ang pagiging “wonderful husband” lang nito ay sapat na.

“You’re my precious gift from God. Nothing means more to me than having your heart fully.

“The love and care you demonstrate to me and the kids every day keeps us secured.  

“Most of all, the quiet life we share and the family we built together is far more valuable than an island filled with jewels.

“Happy sweet 13 years together, My Love! I love doing married life with you! I love you with all my heart!” pahayag ni Chesca.

Nagpakasal ang celebrity couple noong 2003 at biniyayaan ng tatlong anak — sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Read more...