Willie bibigyan ng bonus ang mga staff ng ‘Wowowin’; nagpasalamat sa positive comments mula sa madlang pipol

NAGBUBUNYI ngayon ang mga staff ng Kapuso show na “Wowowin” dahil may bonus silang matatanggap sa host ng show na si Willie Revillame.

“Lahat may bonus. Share your blessings. Lahat kayo bibigyan ng bonus,” saad ni Willie sa live broadcast ng Wowowin ngayong Biyernes, Oktubre 8.

Amin niya, bago siya nagsalita noong Oktubre 7 kung tatakbo siya o hindi sa pagkasenador ay ilang araw nang nangangamba ang kaniyantcmga staff.

“Akala nila, magpapaalam na akong tunay, so lahat ko sila medyo nalungkot. Noong panghuli na, nag-iiyakan na ho ‘yan. Ano raw ang magiging trabaho nila? Kung saan raw sila pupulutin,” kwento pa niya.

Ngunit dahil sa kaniyang pag-atras ay mananatili pa rin ang programa para tumulong sa madlang pipol.

“Hindi, dito pa rin kami. Dito pa rin ang programang ito. Hindi mawawala ito hanggang may nalulumbay at nalulungkot,” pagtitiyak ng TV host.

Samantala, labis ang pasasalamat ni Willie dahil sa mga positibong komento ng netizens matapos ang kaniyang anunsyo na hindi ito tatakbo sa darating na 2022 national elections.

“Overwhelming po ‘yung response. Lord, marami pong salamat. Thank you po, I made the right decision because kailangan kong tulungan ang sarili ko.

“Kailangan alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko dahil kapag niloko ko ang sarili ko, niloloko ko kayong lahat,” saad ng TV host.

“Ang totoo niyan hanggang dito na lang ho muna ako. Mahirap kasi ‘yung wala kang mai-contribute tapos ‘Ibinoyo ko ‘yan, wala naman palang kuwenta ‘yan’. Ang sakit ho nun. Masisisi ka pa,” pagpapatuloy nito.

Sana raw ay maintindihan ng nakararami ang kalagayan niya dahil ang alam lang noya ay ang magpatawa, magpasaya, at makatulong kahit maliit lang.

“Dito marami akong gagawin. Mamimigay ng jacket, mamimigay ng tablet, mamimigay ng hoodie, magbibigay ng mga pangangailangan n’yo.

“Simple lang ang gusto kong gawin, magpasaya lang araw-araw at makatulong lang sa abot ng programa natin,” say ng TV host.

Read more...