Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?

FOLLOW up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa magkarelasyong naghiwalay na at ang akala ng lahat ay ang aktor ang may kasalanan pero ang totoo ay ang aktres pala ang dapat sisihin sa nangyari sa kanila.

Nabasa ng aming source ang nasulat namin tungkol sa aktor at aktres at nasabi nga sa amin na may update raw siya.

“Sobrang nasisisi na si ____ (aktor) kasi nga itong si ____ (aktres) sweet type tapos wala namang ipino-post na kakaiba kundi tungkol lang sa mga anak at trabaho.

“Abangan mo one of these days, magsasalita na raw siya. Hindi ko lang alam kung aaminin niyang si ____ (aktres), e, may dyowa nang iba, pero mahal niya kasi, eh.

“Pero need niyang mag-move on na kasi parang wala ng chance yata silang magkabalikan. So, wait mo lang,” pahayag ng aming source.

Dagdag pa ng aming kausap, mukhang hindi na itinatago ng aktres ang pagkakaroon niya ng bagong dyowa.

Ito’y dahil nga may mga nakakakita na raw sa kanilang taga-showbiz sa isang sikat na mall sa Quezon City kung saan naroon din ang condo unit ng guy at nabanggit na nila ito sa aktor na hindi lang kumibo.

Sabi naman ng isa pang kaibigan namin na alam din ang kuwento nitong ex-couple ay mabait ang friends and relatives ng aktres sa aktor at lagi siyang kinukumusta at sinabing tatagan lamang ang loob niya.

Nakakatuwa namang malaman na okay pa rin ang relasyon ng kampo ng aktres kay aktor dahil siguro’y alam din nila ang totoong kuwento na naunang nagroon ng iba si girl.

* * *

Sinorpresa ng kilalang hip-hop dance crew na Jabbawockeez ang fast-rising P-Pop group na BGYO nang sayawin nila ang single ng grupo na “The Baddest.”

In-upload ang nasabing video sa official Instagram, Tiktok, at Twitter accounts ng sikat na dance crew.

Kamakailan lamang ay nabanggit ng BGYO na ang Jabbawockeez ay isa sa kanilang mga idolo at inspirasyon, na kanilang ibinahagi sa isang exclusive interview sa Myx Global, ang pinakamalaking platform para sa susunod na henerasyon ng mga Filipino artists.

Read more...