Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull
7:30 p.m. Alaska Milk vs
San Mig Coffee
Team Standings: Petron Blaze (5-1); Meralco (4-2); Barako Bull (4-2); Rain or Shine (3-3); San Mig Coffee (3-3); Alaska Milk (3-2); Talk ‘N Text (2-3); Global Port
(2-4); Barangay Ginebra
(2-4); Air21 (1-5)
PIPILITIN ng Barako Bull na maipagpatuloy ang pag-angat sa standings sa salpukan nito kontra defending champion Rain or Shine sa 2013 PBA Governors’ Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Sa alas-7:30 ng gabi na main game ay hangad ng Alaska Milk na patuloy na dominahin ang San Mig Coffee.
Nakabawi ang Energy Cola buhat sa 18 puntos na kalamangan ng Global Port upang magwagi noong Linggo at umangat sa ikalawang puwesto kasama ng Meralco sa kartang 4-2 sa likod ng nangungunang Petron Blaze
(5-1).
Inconsistent naman ang Elasto Painters na mayroong 3-3 record at galing sa 82-76 pagkatalo sa Meralco noong Biyernes.
Binubuhat ng import na si Michael Singletary ang Barako Bull at nakakakuha siya ng tulong buhat sa rookie point guard na si Emman Monfort.
Laban sa Global Port ay sumingasing din ang beteranong si Danny Seigle.
Sa kabilang dako nami-miss pa rin ng Rain or Shine ang consistency ng mga Gilas Pilipinas players na sina Jeff Chan at Gabe Norwood.
Ang iba pang inaasahan ni coach Yeng Guiao na mag-deliver ay sina Jervy Cruz, JR Quinahan, Paul Lee at Chris Tiu.
Makakatunggali naman ni Singletary si Arizona Reid, na siyang Best Import ng torneong ito dalawang taon na ang nakalilipas.
Ang Alaska Milk ay nakabangon naman buhat sa 84-74 pagkatalo sa Meralco ng magwagi kontra Talk ‘N Text, 112-104, noong Biyernes para sa 3-2 record.
Binubuhat naman ni Wendell McKines ang Aces.