IBINAHAGI ni dating “Starstruck” avenger na si Iwa Moto ang kaniyang sentimiyento ukol sa magkakaibang political views ng mga tao.
Amin niya, marami siyang mga kaibigan na very vocal sa kanilang political stand at kung sino ang kanilang pinipiling iboto bilang presidente at nirerespeto niya kug ano man ang choice ng mga ito.
“I just hope that people would also respect my decision. And I pray that people will just stop arguing over politics. And start to respect one another,” saad niya.
Dagdag pa niya, hindi na raw dapat siraan ang gawin at dapat ay mas maging maingat at mapagmasid sa mga tatakbo sa darating na halalan. Matuto rin dapat na mag-research at mag-gather ng facts sa nais suportahang kandidato.
Aminado rin siya na suportado niya ang father-in-law nito na Sen. Ping Lacson na kakandidato sa pagkapangulo sa 2022.
“I fully admit yes I support my father in law because I personally know how much he loves this country. If you support him, thank you very much. If not naman it’s ok but pls we need to stop the negativity now,” dagdag pa niya.
Nagkalat na rin kasi sa social media ang bangayan ng mga netizens dahil sa magkaibang paninindigan ukol sa politika.
Mayroon ring itong naunang IG post na patungkol rin sa politika at relationships.
“Don’t let politics ruin relationships. One of the truest tests of maturity is the ability to disagree with someone while remaining respectful.” saad sa post.
Sa huli ay isa lang naman ang hiling ng dating aktres at ‘yun ay maging maayos ang magiging pamamahala ng susunod na administrasyon.
“Let’s just hope that the next administration will do good.”
Marami naman ang nag-agree sa sinabi mg dating aktres tulad ng aktres na si Regine Angeles.
“May mga tao kasi na dahil lang hindi mo kaparehi ng paniniwala eh kung ano-ano na sasabihin sa’yo. In the end, we all want what’s best for our country. Let’s not ruin each other in the process,” comment ng isang netizen.
“RESPECT our DIFFERENCES,” sey naman ng isa pa.
Pero sey rin ng ibang netizen, ready sila na mag-unfriend sa mga taong sumusuporta sa mga magnanakaw, mamamatay tao, o mga corrupt officials.
Ikaw ba, are you ready to cut off your friends kapag hindi kayo same ng political views?