HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang maging emosyonal nang ibahagi nito sa kaniyang Instagram account ang screenshot ng kanilang pag-uusap ng kapwa Kapuso actress na si Andrea Torres.
Sa screenshot ay makikita ang mensahe ni Andrea na “Love you always!!!!! Here for you always kahit tapos na ang BetCin.”
May isa pang mensahe ang aktres ngunit pinili ni Kylie na ‘wag na itong i-share sa netizens.
Reply naman ni Kylie, “Love you!!! Thank you Ada. naiiyak akooooo bakit mo ako pinapaiyak!!! Salamat talaga for this. It means everything.”
Nagkatrabaho ang dalawa para sa online series na “BetCin” na ipapalabas kung saan nagtambal sila at gumanap bilang sina Beth at Cindy.
“I learned so much from this woman. I’m happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you! Another strong beautiful lady I’m blessed to have worked with,” saad ni Kylie sa kaniyang post.
Agad namang nag-reply si Andrea sa post ng ka-love team.
“Huhu!!! Ako din pinapaiyak mo dito! That instant chemistry means something talaga! Hehehe. You’re previous. Di ako mahsasawang sabihin sayong I love you, I’m always here for you, I miss you and I’m proud of you! Beautiful soul!!!!” sey ni Andrea.
Unang gumawa ng ingay ang dalawa matapos nilang maglabas ng teaser para sa kanilang online series na “BetCin”.
Ang “BetCin” ay isang LGBTQIA+ themed series na may eight episodes at nakatakdang ipalabas ngayong Oktubre 15.