Axel Torres may malalim na ‘lovelife hugot’, patama nga ba kina Aljur at AJ?

USAP-USAPAN ngayon ang sexy star na si AJ Raval at ang Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica matapos ang naging pag-amin ng dalaga na nanliligaw sa kaniya ang aktor.

Mas umingay pa ang dalawa nang marami sa mga “Marites” at “Mosang” ang nakakita sa kanilang magkahawak kamay habang namimili sa mall.

Nitong taon lang nang kumpirmahin ni Kylie Padilla na hiwalay na sila ng asawang si Aljur.

Nito lang rin ay naglabas ito ng pahayag ukol sa pakikipag-date ng asawa at sinabing wala namang isyu ito dahil nagkasundo sila na maaari silang makipag-date sa iba dahil hiwalay naman na sila.

Samantala, recently lang rin nang makipaghiwalay si AJ Raval sa kaniyang ex-dyowa na si Axel Torres.

Sey ng sexy actress, isa sa mga dahilan ng kanilang break up ay dahil hindi gusto ng binata ang ginagawang pagpapa-sexy ng aktres.

Speaking of Axel, para nga kaya sa sexy actress ang mainit-init na tsaa na ipinost nito sa Instagram?

“Right now, I’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about but it’s alright,” saad nito.

Wala mang direktang pangalan sinabi ang binata ay marami ang nagsasabing si AJ raw ang tinutukoy ng aktor.

Bukas naman ang BANDERA kung sakaling naisin ni Axel na linawin kung sino at ano ang istorya ukol sa post nito.

Read more...