Sharon may pa-throwback paandar para kay Frankie; ibinandera rin ang pagliit ng ‘size’

Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan

WALANG paramdam si Megastar Sharon Cuneta kung pabalik na ba siya ngayon ng Pilipinas.

Pero nag-post na siya ng larawan na nakapag-shopping na siya at ang background ay ang paborito nitong mamahaling brand at nasa harapan niya ang kanyang paboritong bag.

Sa pagkakataong ito ay jacket ang pinamili ng Megastar at ipinagmamalaki niyang maliit na ang size niya base sa kanyang caption na, “Nakapagshopping din (clapping hands emoji) @madeloveluxe Delski!!! 38 nalang jacket ko! (Waaaaahhh ang laki na nu’ng iba huhuhuhu…3 anak kong babae okay lang!) @itsmichelle_vo.”

Sa paboritong The Plaza Hotel, Central Park naka-billet si Sharon na madalas pagsyutingan ng mga Hollywood films tulad ng “Home Alone 2: Lost in New York” (1992), “101 Dalmatians” (1996), “Bride Wars” (2009) at marami pang iba.

Kinunan pa ni Sharon ang card na ibinigay sa kanya, “’Welcome back, Ms. Cuneta!’ To hear that again gave me chills. 1. Because it makes me so happy that New York, indeed has opened back up; 2. Because no matter what other wonderful hotels I stay at in NY, this is where it will always feel like home to me.”

At may Pinoy palang staff ang The Plaza base sa payo ng social media influencer na si Tim Yap, “Achi! Look for @yes_sir_leo at the Plaza he’s the F&B head there and proudly Pinoy!”

Samantala, ipinost ni Sharon ang mga larawan ng panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan noong bata pa na isinama nu’ng nag-file ito ng Certificate of Candidacy sa pagkasenador.

Ang caption ni Mega, “Little Kakie, my little Baba at around 3 years old! She was already a little lady so well-behaved and poised that we could bring her anywhere without having to worry about anything. 

“ALL my children, thank God, from KC to Miguel, were such well-behaved little ones that we often got compliments from strangers on flights and everywhere else! @frankiepangilinan @miel.pangilinan.”

Komento ng netizen na si @primeofmylife, “They were raised by YOU (heart emoji).”

Sinang-ayunan din ito ng ilan pang netizens tulad ni @lanealmelor na nagsabing, “That’s because you’ve (& Senator) raised your offsprings so well. Cutiepatootie Kakie.” 

Sabi naman ni @poooorchild, “Kakie is so blessed to have you as a mother.”

Read more...