Angel suportado si VP Leni sa pagtakbo sa 2022: Women will govern!


TODAY is pink day!!

Umuulan ng kulay pink ang iba’t ibang social media platforms matapos ang naging anunsyo ni VP Leni Robredo ng kanilang kandidatura sa pagka-pangulo ngayong Oktubre 7, 2021.

Ngunit bago pa man ang pormal na anunsyo ng bise presidente, nag-upload na ng larawan ang aktres na si Angel Locsin na nakasuot ng pink top na may caption na “Good morning” sa kaniyang Facebook account tanda ng pagsuporta niya kay VP Leni.

Usap-usapan rin ang naging Instagram story nito na may nakasulat na, “Women will govern. Women will lead. Women will vote,” na may pink background.

May ilan pang nagsabing mababawasan raw ang nagmamahal sa aktres dahil sa kaniyang pagsuporta kay Robredo ngunit tila mukhang deadma lang ito dahil mas may pake siya sa magiging sitwasyon ng bansa sa darating pang mga taon.

Hindi na bago ang pangbabatikos kay Angel at mukhang mas marami pa ang mangba-bash kay Darna dahil sa kaniyang pagsuporta kay VP Leni.

Kamakailan lang nang ipagtanggol siya ng asawang si Neil Arce matapos ang walang tigil na akusasyon sa aktres na kaya raw ito tumutulong ay dahil may plano itong tumakbo sa darating na national elections.

Matatandaan rin matagal nang nilinaw ni Angel ang isyung ito sa naging mensahe niya sa talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz.

“Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako,’ sey ni Angel.

Mukhang ang pinatutungkulan ng aktres ay ang tiyuhin nitong si former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Pormal na rin kasi itong naghain ng certificate of candidacy sa pagkasenador ngayong araw kasama ang incumbent representative na si Carlos Isagani Zarate.

Read more...