OPISYAL nang nagdeklara si Vice President Leni Robredo ng kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 national elections.
Ginawa ni Robredo ang anunsyo sa kanyang tanggapan sa Quezon City.
“Buong-buo ang loob ko ngayon… Tinatanggap ko ang hamon na tumakbo,” aniya sa kanyang maikling talumpati.
Tinapos ni Robredo ang mga haka-haka sa kanyang plano sa politika. Nangangahulugan din ito ng pagtanggap ni Robredo sa nominasyon ng 1Sambayan para maging presidential bet sa darating na eleksyon.
Inaasahang maghahain ng certificate of candidacy si VP Leni mamayang alas-tres ng hapon. Hindi pa tiyak kung sino ang magiging running mate nito.
Nag-anunsiyo si Robredo, isang araw matapos maghain ng certificate of candidacy sa pagka-pangulo ng bansa si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Sina Robredo at Marcos ay nagkalaban sa pagka-bise presidente noong 2016 national elections, subalit natalo ang huli.