PAULIT-ULIT ang pasasalamat ng bagong Kapuso actor at direktor na si Xian Lim sa lahat ng pageant fans na sumuporta sa katatapos lamang na Miss World Philippines 2021.
Idinaan ni Xian sa social media ang kanyang message para sa mga nanood at nagtiyang tapusin ang grand coronation night ng nasabing national pageant kung saan siya nga ang nagsilbing host.
“To all the pageant fans, thank you for the love and support,” ang post ng binata sa Twitter.
In fairness, talagang naging trending topic sa social media ang Miss World PH 2021 dahil tumagal ito nang ilang oras dulot ng mga technical difficulties at ilang issue sa daloy ng programa.
Ayon kay Xian hindi biro ang ipinakitang katatagan at pasensiya ng mga kandidata habang ginaganap ang pageant.
“Being up on stage for more than 10 hours plus countless days of rehearsals for the candidates can really take a toll on their stamina.
“All the candidates gave it their best shot and that is what’s important. Yes, It took a while for the pageant to finish but this is the fruit of their hard work and dedication.
“Thank you pageant fans for sticking around. Congratulations to all the winners,” ang mensahe pa ng boyfriend ni Kim Chiu.
Nag-post din ang aktor sa Instagram para muling saluduhan ang lahat ng kandidata sa kanilang dedikasyon at sa pagsuporta ng mga fans ng mga beauty contest sa bansa.
“Thank you to all the pageant fans who tuned in last night. It was a long stretch but this truly shows the passion and dedication the Miss World candidates have for their craft,” sabi ni Xian.
Dagdag pa ng binata, “This also reveals that pageantry is more than just a competition among women but shines light on important issues our nation and the world is currently facing Kudos and hands down to all the women up on stage last night.”
Ang Cebuana na si Tracy Maureen Perez ang itinanghal na Miss World Philippines 2021 at siya ang magiging bet ng bansa sa 70th Miss World pageant na gaganapin sa Puerto Rico sa December.