Chito Rono, Vilma Santos at Jane de Leon
HALOS isang dekada nang hindi nagdidirek ng teleserye ang award-winning director na si Chito Roño ngunit nakumbinse nga siya ng ABS-CBN para gawin ang bagong TV version ng “Darna.”
Inamin ni Direk Chito na super fan siya ng mga “Darna” movies ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at isa ito sa mga rason kung bakit pumayag siyang idirek ang pagbabalik sa telebisyon ng iconic Pinay superhero.
Kahapon, ibinandera na nga ng Kapamilya network ang bubuo sa cast ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane de Leon bilang bagong Darna.
Pahayag ni Direk Chito sa panayam ng ABS-CBN, “I found the material very exciting. Ayoko na talagang mag-soap. Matagal ko nang iniwanan ang mundo ng soap. When I heard the story, when I heard everything, nagustuhan ko. Tinanggap ko na rin.”
“Pero siyempre ngayon, mas modern na ang technology, so mas bago na tingnan. Bago na ‘yung gagamitin namin. Hindi na ‘yung mga lumang technology. Exciting din ‘yun,” sabi pa ng veteran director.
Dagdag pa niya, “Ang challenge ko talaga is to make sure that what we have and what is available to us is workable and will do well for the project.”
“I want ‘Darna’ to be less soapy, more real, but retain the character to be bigger than life, and obviously different from everybody else,” aniya pa.
Pag-amin pa ni Direk, “Si Vilma Santos ang Darna ko. Lumaki ako na iyon ang Darna na nakikita ko. Ako, ilang beses ko pinanood ang Darna before, kasi nga enjoy na enjoy ako.”
Kaya ang objective ng buong production sa muling paglipad ni Darna ay, “To bring the same experience to the kids today, that they would be excited and would love watching Darna.”
Kagabi, na-meet na ni Direk Chito ang cast of “Darna” para sa kanilang story conference. Next month na magsisimula ang shooting nila na gagawin sa ABS-CBN sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan.
Makakasama nga ni Jane sa proyektong ito sina Iza Calzado bilang si Leonor Custodio at nanay ni Darna/Narda; Zaijan Jaranilla bilang si Ding, ang sidekick ni Darna at Joshua Garcia as Brian na isa namang pulis.
Ilan pa sa mga makaka-join sa “Darna” sina Gerard Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Yogo Singh, Young JV, Mark Manicad, Joj Agpangan, Levi Ignacio, Richard Quan, Rio Locsin at Kiko Estrada.