Rabiya kay Tracy: Grabe talaga babe, sinamahan mo ako sa pagkadulas, ha?!

BINATI ni Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo sa kaniyang Instagram stories ang newly-crowned Miss World PH Tracy Maureen Perez.

Bukod sa pag-congratulate ay biniro pa ni Rabiya si Tracy dahil sinamahan pa niya ang dalaga sa pagkakadapa.

“Congratulations @tracymaureenperez! Grabe talaga babe sinamahan mo ako sa pagkakadulas ha? Ganun mo ako kamahal! See you in Manila,” sey nito sa IG story.

Matatandaang nadapa noong Setyembre 30 sa MUPH 2021 coronation night si Rabiya habang isinasagawa ang kaniyang final walk.

Samantala, dalawang beses namang nadapa si Tracy sa kasagsagan ng Miss World PH 2021. Ang una ay noong bago siya manalo at ang pangalawa naman ay noong siya ay ideklarang panalo.

Marami naman ang humanga sa Miss World PH 2021 host na si Xian Lim sa kaniyang pag-rescue kay Tracy.

Agad inalalayan ng binata ang mewly-crowned beauty queen na paniguradong nasaktan matapos ang unang pagkakahulog sa stage.

Marahil rin ay dahil sa pagod at tagal ng beauty pageant ay bumigay na rin ang kaniyang paa lalo pa’t nakasuot sila ng heels.

Muli, isang malakas na congratulations sa ‘yo Tracy at ngayong tapos na ang patimpalak ay mabawi mo ang iyong lakas dahil rarampa ka pang muli dala ang Pilipinas para sa Miss World 2021.

Read more...