Phone ni Derek binasag ni Ellen; Jayzam kumupit sa lolo para mai-date si Camille

GAME na game na nakipaglaro ng “Never Have I Ever” ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kontrobersyal vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

Umpisa pa lang ay havey na ang vlog dahil sa tila bangayan nina Ellen at Derek ukol sa tamang pag-inom ng alcohol. Pinipilit kasi ni Derek na dapat walang chaser bilang pagrespeto raw sa alak na siyang kinontra ni Ellen.

Unang tanong pa lang ay tila lugi na si si Derek dahil sa kanilang apat daw ay siguradong siya ang may pinakamaraming istorya ukol sa tae.

Ang tanong kasi ay kung sino na ang aksidenteng natae habang natutulog.

“Never, gising ako sa lahat ng tae moments ko,” proud na saad ni Derek.

“Pero may isang time, hindi mo lang alam na may tae ka na pala,” pambubuko ni Ellen sa kaniya. “Chineck niya tapos nilinis pa niya,” dagdag pa nito.

“UST ‘yon. Utot sabay tae,” honest na saad ni Derek.

Nakaganti naman si Derek kay Ellen nang naitanong kung sino na ang nawalan ng cellphone.

“Always. Basag, nawala, pinasagasa, binasag ng girlfriend,” chika nito sabay tingin sa taas.

Napatingin naman si Ellen sa kaniya sabay nag-make facr nang marealize niyang siya ang tinutukoy ng aktor sabay nagkatawanan.

“Actually hindi girlfriend, fiancé pala,” bawi ni Derek sabay yakap kay Ellen.

Nilaglag naman ni Jayzam ang sarili nang itanong kung sino na ang nangupit sa parents.

Kuwento kasi ni Jayzam, noon daw ay madalas niyang kupitan ang kaniyang lolo sa tindahan para may pang-date sila ni Camille.

“Kapag umalis na ‘yung lolo ko namimili na ako sa arinola ng color blue,” kuwento ni Jayzam.

“Isang libo, ninanakaw mo sa lolo mo?” di makapaniwalang tanong ni Derek sabay pina-shot si Jayzam.

“Tay, shoutout sa’yo. Kung hindi dahil sa tatay ko, walang JaMill,” sey ni Jayzam.

Marami namang netizens ang aliw na aliw sa naging collab ng dalawa at looking forward sa marami pang kwentong laglagan ng both couples.

Marami rin ang nagulat at ‘di inexpect ang collab ng apat ngunit sa huli ay natawa naman sila lalo na sa mga kuwento ni Derek.

Ito na kaya ang umpisa ng mas maraming pagsasama ng dalawang couples? For sure na masusundan dahil marami ang naaliw sa naging kulitan nilang apat.

Read more...