Aiko wala pang paramdam sa Comelec; Ivana, Gerald may bagong pasabog

Gerald Anderson, Ivana Alawi at Aiko Melendez

HANGGANG ngayon ay wala pang paramdam ang aktres na si Aiko Melendez kung kailan siya magsusumite ng kanyang Certificate of Candidacy sa Comelec, Quezon City.

Matatandaang nagpahayag siya na kakandidato bilang congresswoman nu’ng huling makausap ng media through zoom pero pagkatapos noon ay wala nang narinig mula sa kanya, pero panay-panay ang post niya ng mga larawang tumutulong siya.

Kailan lang ay nasulat namin dito sa BANDERA na humihingi siya ng pabor kay Cong. Alfred Vargas na kasalukuyang nakaupo bilang representante ng 5th district ng Quezon City na sana ay pagsabihan ang staff niya na huwag tanggalin ang kanyang mga tarpaulin.

Tinukoy niya talaga ito dahil may mga ebidensiya siyang hawak na video at mga larawan kung paano pinagbabaklas ito.

Nagpadala kami ng mensahe kay Aiko kung kailan siya magpa-file at kung anong posisyon pero hindi kami sinasagot hanggang matapos namin ang balitang ito.

Naalala naming nasa lock-in taping nga pala siya ng “Prima Donnas” at baka hindi niya ito nababasa pa o sadyang hindi niya kami sinasagot dahil busy nga siya.

Anyway, Okt. 5 na ngayon at hanggang sa Okt. 8 na lang ang filing, baka naman sa huling araw mag-file si Aiko lalo’t sabi nila ay suwerte ang numerong otso? Why not  marami naman talaga ang naniniwala na infinity ang numerong ito.

May nakita kaming post ni Aiko ngayong araw sa kanyang Facebook page na larawan niyang naka-white polo and at blue jeans na may caption na, “(heart emoji) CONGSI AIKO MELENDEZ aalagaan kayo.”

At hayun nga, na-reveal na baka nga sa congress tatakbo si Aiko. So alam na this!

* * *
                                                        
Apat na bagong shows mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang magbibigay ng saya, kilig, at katatawanan sa viewers ngayong Oktubre bilang bahagi pa rin ng “Kapamilya YOUniverse” experience.

Kung nahihirapang bumangon sa umaga, i-stream lang ang “Happy Pill” tuwing 8 a.m. mula Lunes hanggang Linggo. Lalamanin nito ang iba’t ibang inspirational quotes at motivational words para maghatid ng good vibes at lakas ng loob na simulan ang araw.

Maaaliw naman habang natututo ang viewers sa “IQ Ang Nagwagi,” isang quiz show kung saan mag-iikot si Alora Sasam sa iba’t ibang ABS-CBN shows para magtanong ng sari-saring trick questions. Sumama na sa sagutan at kulitan kasama ang iba’t ibang Kapamilya stars tuwing Sabado, 6 p.m..

Kakaibang movie experience naman ang ihahain ng anthology series na “Mashing Machine” kada Lunes tuwing 6 p.m.. Sa bawat episode nito, ipagsasama-sama ang mga eksena mula sa iba’t ibang patok na teleserye at ipagpapares ang iba’t ibang Kapamilya stars para makabuo ng isang bago at nakakaaliw na kwento.

Napapanood na ngayon ang unang “Mashing Machine” episode na “A Soldier’s Love” tampok sina Gerald Anderson at Ivana Alawi, samantalang sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid naman ang magpapakilig sa “My Hokage Love” sa susunod na linggo. Bibida rin sa susunod na episodes sina Daniel Padilla, Liza Soberano, Nadine Lustre, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin.

Pwede ring tumakas at bumiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama sina André Brouillette, Fumiya Sankai, at Gabby Sarmiento sa “Hello World!” simula Oktubre 7. Makilakwatsa at maki-food trip kasama ang dating “PBB” housemates sa USA, Japan, at Italy, at alamin mula sa kanila ang masasayang experiences na pwedeng ma-enjoy sa mga lugar na ito tuwing Huwebes, 5 p.m..

Read more...