Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach
ISA sa mga itinuturing ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay ay ang nangyari sa kanyang pamilya noong nakaraang taon.
Noong kasagsagan ng lockdown last year dulot ng COVID-19 pandemic, talagang naapektuhan din ang kanyang mental health — inatake siya ng matinding anxiety at nagkaroon din ng depresyon.
At ayon kay Pia, napakalaki ng naitulong ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey para malampasan ang mga family problems at challenges at na dumating sa kanyang buhay.
“I don’t think it’s any secret what happened to me last year, what happened to my family. It was a very public thing. Everybody was talking about it.
“Nakikita ko siya sa mga balita, matagal. Hindi lang siya isang araw, ilang araw siya. I don’t want to talk about that anymore. But, of course, it affected me,” pahayag ni Pia sa kanyang latest YouTube vlog.
Ang tinutukoy nga niya ay ang kontrobersyal na pang-aaway sa kanya ng kapatid na si Sarah pati na rin sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.
Naging national issue pa nga ang mga maaanghang na pahayag ni Sarah laban kay Pia at sa kanilang ina ngunit makalipas lamang ang ilang linggo at nagkaayos na rin ang magkapatid.
Pahayag ng TV host-actress, super thankful siya sa kanyang boyfriend na si Jeremy dahil talagang inalalayan at sinuportahan siya nito nang bonggang-bongga.
“Jeremy saw everything. He saw how it affected me in real life. It was hard to be in the middle of all of that and to see your family not okay. Thankfully, everything is okay now. All is good.
“But nu’ng mga panahon na iyon, iba kasi ‘yung kapag may problema kayo sa family niyo tapos kayo-kayo lang ‘yung nakakaalam. Mas mahirap kapag alam ng buong mundo.
“Jeremy was with me through all of it. He saw it. He was very supportive. Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman,” chika ni Pia.
Patuloy pa niyang sabi, “Naayos din naman ang lahat. I still think things could be better. Ganyan ang buhay, guys. Hindi tayo pwedeng magmukmok lang. Kailangan natin tumayo at lumaban at magkaroon ng pag-asa.”
Sa isang bahagi naman ng vlog, nag-comment siya sa sinabi ng netizen na isa siya sa mga celebrities na talagang hinahangaan ng mga kababaihan dahil sa kanyang tapang at pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.
“Kung malungkot ka, malungkot ka. Okay lang iyan. Part ng buhay iyan, ‘yung mga struggles, down moments, ‘yung hindi ka okay. Hindi tamang i-expect na parati ka lang dapat masaya kahit mali na ‘yung nangyayari sa harap mo, magbubulag-bulagan ka,” paliwanag ng aktres.
Dagdag pa niya, “Sometimes, you have to go through the motions. You will go up and down. Kailangan kasi nakaka-stress din kung parati mong iniiwasan ang problema o negativity. Minsan naman hindi mo maiiwasan.”
In fairness naman kay Pia, talagang pinaghirapan at pinagsikapan niya ang mga tinatamasa niyang tagumpay at pagkilala hindi lang bilang beauty queen kundi maging sa mga ipinaglalaban niyang adbokasiya.