Meryll umaming naiinggit sa kapatid kay Willie; may hugot sa pagba-budget ng pang-grocery

Meryll Soriano at Marimonte Viduya Revillame

SA panayam ni Meryll Soriano sa kapatid niyang si Marimonte Viduya Revillame na taga-Baguio ay inamin niyang may konting inggit siyang naramdaman dahil pinayagan na agad itong magsolo sa buhay kahit nag-aaral pa.

“I’m so, so proud of you for doing this and so happy na nabigyan ka ng chance kasi siyempre ako nu’ng bata ako nu’ng edad mo hindi naman ako nabigyan ng chance ng gusto ko kagaya ng ginagawa mo (solong namumuhay),” pahayag ni Meryll sa kapatid niya sa amang si Willie Revillame.

“Gusto ko ‘yan actually may kaunti akong inggit na nagagawa mo ‘yan right now na na hindi ko nagawa noon but of course different ang stories natin.

“And I’m just really happy na mae-experience mo ‘yan and ang dami mong matututunan, I know for a fact and also just know that I’m just a text away huwag kang mahihiyang mag-text sa akin kung mayroon kang questions at kung nahihirapan ka sa struggles mo or just you know, anything,” pahayag pa ni Mama Meme (tawag kay Merryl) sa younger sister.

Dagdag pa niya, “Excited ako nang sabihin mong pinayagan ka ni Papa (Willie) at binigyan ka niya ng magandang space para matuto, magkaroon ng independence.”

Nabanggit din ni Marimonte na nag-a-adjust palang siya sa bago niyang tirahan dahil halos dalawang linggo palang siya sa kanyang condo unit.

Magkaiba ang kalagayan noon nina Merryl at Marimonte dahil lumaki sa kanyang tiyahing si Maricel Soriano kasama ang mama niyang si Beckbec ang una at maaga rin siyang napasok sa showbiz.

Natikman ng panganay na anak ni Willie ang hirap ng buhay noon pero sa pagsisikap ay unti-unti siyang gumawa ng sariling pangalan.

At nang gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ay hiniling niya sa amang si Willie at ipinadala naman siya sa London para mag-aral na unang beses niyang mawalay sa pamilya.

Kuwento nga niya sa mga naranasan niya noon sa London, “Okay lang ‘yang mag-adjust kasi ako bago ako naka-adjust sa London ang tagal, di ba? Hindi naman overnight, hindi one week or two weeks. 

“Months before I was able to adjust doon pa, iba pa ‘yung living circumstances mo dahil meron kang kino-consider na weather, kono-consider na train (schedule).  Siyempre ngayon nandiyan ka lang mas magandang matutunan mo munang mag manage diyan (Baguio),” aniya pa.

Inamin ng dalagang anak ni Willie na nahihirapan siya pagdating sa pagba-budget dahil nga first time mahiwalay sa poder ng ina.

“Super happy and excited ako ate, pero scary din talaga, kind of scary kasi at ‘yun nga takutin talaga ako pero I think kaya ko naman ito,” saad ni Marimonte.

Sa tanong ni Merryl kung may mga gustong tanungin ang younger sis niya.“Yung biggest tanong ko ate is how do you budget ‘coz super struggle ko ‘yun,” tanong ng dalaga sa nakatatandang kapatid.

Natawa si Merryl, “Maling tanong, maling tanong ‘yung tinanong guys!”

Sabay sabing, “Tanong natin kay Joem (Bascon-partner niya) kung paano mag-budget.  Ako kasi hindi ako marunong. Ha-hahaha!

“I think di ba, siyempre meron kang allowance for now kasi hindi ka pa naman nagwo-work. So, i-monitor mo na kung magkano ‘yung groceries mo siyempre nag-i-start ka palang so hindi mo pa alam kung magkano ‘yung mga things.

“But meron kang mga constant (payables), ‘yung tubig mo, internet mo, electricity mon a malalaman mo after one month, di ba?  And then ‘yung groceries mo sa food and then ‘yung mga miscellaneous mo. 

“I think gumawa ka na ng (listahan) mo, hindi ko alam kung magsusulat ka o sa (lalagay) sa phone o sa laptop. Gumawa ka na ng budget list mo,” aniya pa.

Sabi naman ng dalaga, nakabayad na siya ng renta niya sa unit at bills at nag-grocery na rin, “Gumawa ako ng list pero hindi ko na-follow kasi kumuha lang ako nang kumuha.

“Funny thing nu’ng nasa cashier na ako dumating ‘yung friend ko at tsinek niya mga binili ko, meron akong sinigang mix, meron akong mga cubes (pampalasa), e, wala pala akong meat and chicken,” natawang kuwento ni Marimonte

Ibinahagi naman ni Mama Meme na ang ginagawa raw nila sa bahay nila ni Joem ay naka-set na ang isang linggong menu para alam nila ang bibilhin nila sa grocery.

“At least naka-budget ‘yung food kasi nagba-vary talaga ‘yan depende sa lulutuin mo kung pork or chicken, iba-iba ang presyo niyan.  May mga essentials na kailangan mong sundin kasi parehas tayong impulsive!” paliwanag ng aktres.

Sabay sabing, “Kapag nagg-grocery ako, lahat ng mga wala sa listahan ‘yun ang mga binibili ko (nagkatawanan ang magkapatid). I’m also still learning that but since si Daddy Joem ang gumagawa n’yan ngayon, I’m safe.

“Hindi ko rin mapigilan kasi medyo mataas din ang standards ko sa mga bilihin kaya kailangan ko ng budget for that.”

Kaya payo ni Merryl sa kapatid na ilista lahat ng mga dapat nitong bilhin at malalaman nito kung magkano ang gastos niya sa isang buwan.

Kursong Interior Design ang kinukuha ni Marimonte at dahil online class naman sila ngayon kaya sa Baguio muna siya naninirahan pero kapag may face to face na ay mapipilitan na siyang bumaba ng Maynila.

Read more...