Bea Gomez may bitbit na lucky charm mula sa Vatican nang lumaban sa Miss U PH 2021

Bea Gomez at Kate Jagdon

AMINADO si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na naaapektuhan pa rin siya ng matinding pamba-bash at panlalait ng netizens sa social media.

Pahayag ng Cebuana beauty queen, tanggap na niya ang katotohanan na hindi niya mapi-please ang lahat ng tao ngunit may mga pagkakataon din na nakakaramdam siya ng lungkot kapag may mga bumabatikos at nambabastos sa kanya.

Kuwento ni Bea sa isang panayam, sa halip na mawalan ng kumpiyansa sa sarili at magpaapekto nang bonggang-bongga sa haters, mas pinagbuti pa niya ang sarili para patunayan ang kanyang talento at talino.

Aniya, sumabak siya sa extra training at special classes para mas maging pulido pa ang performance niya sa Miss Universe Philippines pageant.

“Many times na nakakapanghina rin minsan kasi ‘yung mga bashing, the criticism online. Pero when you read all the positive comments, thats when you feel a lot more better, more confident,” sey ng pumalit sa troni ni Rabiya Mateo.

In fairness, marami naman talagang pwedeng ipagmalaki ang dalaga bukod sa pagiging beauty queen — isa rin siya g community development worker, Philippine Navy Reservist, fitness enthusiast at super proud member ng LGBTQIA+.

Samantala, ibinandera rin ni Bea ang special lucky charm na lagi niyang bitbit saan man siya magpunta, lalo na nang rumampa na siya sa grand coronation night ng Miss Universe PH.

“The lucky charm that I have with me right now is the rosary that my sister gave me. It’s actually from the Vatican so it’s quite special and I’m always reminded of what I’m here for,” sabi ni Bea.

Kasunod nito, inamin naman ng dalaga na hindi talaga ang pagiging beauty queen ang una niyang pinangarap.

“My childhood dream was to be a missionary. ‘Yung feeling na it’s fulfilling to serve othres, parang aligned siya with what I do as a community development worker,” pahayag ni Beatrice.

Nagpasalamat din siya sa 100 percent support na ibinigay ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang girlfriend na si Kate Jagdon, na isang DJ.

“It’s a breakthrough for the pageant world that are accepting people like me. They’re being more diverse and inclusive every year,” aniya pa.

Nakatakda nang sumabak sa mas matinding training si Bea para sa Miss Universe 2021 pageant na gaganapin sa darating na December sa Israel. 

May mensahe rin siya para sa lahat ng mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsusumikap para maabot ang kanilang ultimate dream sa buhay.

“Embrace whatever skills you have because that will get you through life. You develop that skill and you reach for your goals kasi ‘yun ‘yung magiging anchor mo, whatever you are going through in life,” sabi pa ni Bea.

Read more...