James Yap tatakbong konsehal sa San Juan

James Yap

SA Pebrero, 2022 ganap na 40 years old na si James Yap at nabanggit niya noong kaarawan niya last year na pagdating niya ng edad kuwarenta ay magreretiro na siya sa paglalaro ng basketball.

Base ito sa panayam niya kay Dolly Ann Carvajal ng Inquirer.net sa ginanap na birthday party nito sa Gastropub District 8 kasama ang kapwa manlalaro na tinawag na Party Boys Association (PBA).

Kaya namin ito nabanggit ay dahil maghahain na ng certificate of candidacy (COC) si James sa Martes, Okt. 5 bilang konsehal sa San Juan City at nasa kampo siya ng incumbent mayor ng lungsod na si Francis Zamora.

Base sa pahayag ni James sa isang panayam ay tuloy na ang pagpasok niya sa politika dahil gusto rin niyang makatulog sa mga kababayan niya sa San Juan City.

Sa larangan ng sports daw niya nakikitang puwedeng makatulong ngayong panahon ng pandemya lalo na sa mga kabataan.

At nabago na ang plano niya dahil kahit hanggang Dec. 31, 2021 na lang ang kontrata niya sa Rain Or Shine ay hindi na raw tuloy ang pagreretiro niya.

Sabi ng ex-husband ni Kris Aquino, “I think wala sa PBA ang nasa public service, yung bang active player. 

“Kung mapagbigyan tayo at manalo, makakapagbigay inspirasyon pa din ako as a player and at the same time makakapagserbisyo tayo as elected official,” ani James.

Sabi naman ni Mayor Zamora tungkol sa pagtakbo ni James, “When he helped me in previous elections, nakita ko ‘yung enthusiasm niya to serve.

“A lot of people idolize him, especially the youth. He came from humble beginnings. He himself is a success story. ‘Yung ganoong life story is a source of inspiration. 

“That I feel is his biggest strength. He can be a big influence in our anti-drug programs and advocacies for the younger generation,” sabi pa ni Zamora. 

Read more...