Hannah Arnold at Bea Gomez
KALIWA’T kanang batikos ang inabot ng Binibing Pilipinas Organization matapos mag-viral ang kanilang controversial post tungkol sa “natural woman.”
At dahil nga rito, agad na tinanggal ng BPO ang nasabing Facebook post kung saan nakabalandra pa ang litrato ni Hannah Arnold, ang nagwaging Binibining Pilipinas International 2021.
Ni-repost ng BPO ang nakalagay sa Miss International official Facebook page at nilagyan ng caption na, “Naturaaaaaal woman.”
Umani nga ng napakaraming negatibo at bayolenteng reaksyon ang nasabing post at halos lahat ay nagsabing patama raw ito sa nagwaging Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.
Alam naman ng madlang pipol na proud member ng LGBT community si Bea at very open din sila ng kanyang partner na disc jockey from Cebu na si Kate Jagdon sa kanilang relasyon.
Kagabi, naglabas ng official statement sa social media ang Binibining Pilipinas organization kasabay ng paghingi ng sorry sa publiko lalo na sa mga na-offend ng kanilang FB post.
“Binibining Pilipinas would like to apologize for the recent caption posted on our Facebook page. There was no intention to throw malice at any individual.
“But we understand the impression created by the said post given its timing.
“The organization has always been about celebrating Filipinas of all backgrounds. We will never consciously do anything to minimize the experience and the truth of anyone,” ayon sa pahayag ng BPO.
Dagdag pa nila, “BBP acknowledges the sentiments of the netizens. We took down the social media post, and we will ensure that future posts will be properly vetted and cleared by the organization. Moving forward, we commit to being more mindful online.”
Sa huling bahagi ng statement, nakiusap pa ang BPO na, “requests all netizens to please spare the BBP queens from negative comments and messages since they had nothing to do with the post.”
“We wish for everyone’s continuous support in their upcoming endeavors,” ang nakasaad pa sa statement.
Kung matatandaan, ang Binibining Pilipinas ang official national franchise holder ng Miss Universe Organization simula pa noong 1964.
Ngunit noong December 2019, humiwalay na ang Miss Universe franchise sa Binibining Pilipinas kung saan itinalagang national director si Binibining Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee.